WALANG humpay ang pamimigay ni Tingog Cong. Yedda Romualdez ng ayuda sa mga nangangailangan ng tulong.
Bagama’t naka-break ang Kongreso, tinungo ni Cong. Romualdez ang District 6 ng Quezon City para magbigay ng ayuda.
Isang libong residente ng lugar ang nakatanggap ng tig-P3,000 bawat pamilya mula sa Assistance For Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Ito po ang pinupunto ng kasalukuyang administrasyon na ang gobyerno ay nariyan at handang tumulong sa mga nangangailangan,” ayon kay Cong. Romualdez.
“And this is one of the mission of Congress under Speaker Martin Romualdez na tulungan hindi lang ang mahihirap kundi ang lahat para makabangon dulot ng COVID pandemic,” dagdag pa ni Mrs. Romualdez.
Nauna nang nagbigay ng ayuda ang mag-asawang Romualdez sa mga biktima ng bulkang Mayon sa Bicol at ang mga nasunugan sa Metro Manila noong nakaraang linggo.
