2 TULAK NABITAG SA BUY-BUST

NASADLAK sa likod na rehas na bakal ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Manila Police District ang isang lalaki at isang babae makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Laon Laan at Marzan Streets, Sampaloc, Manila.

Kinilala ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang dalawang suspek na sina Arlene Hipolan, 24, ng Tondo, at si Kenjie Martin, 22, ng Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., hepe ng DDEU, bandang alas-12:25 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 50.11 gramo, at P340,748 ang street value.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive of Dangerous Drug Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

285

Related posts

Leave a Comment