MAHARLIKA FUND WALANG SILBI SA 51% PINOY – SURVEY

sws

NANINIWALA ang 51% ng mga Pilipino na kakaunti o wala silang benepisyo habang 46 percent ang umaasang labis silang makikinabang sa Maharlika Investment bill.

Mayorya naman ng mga Pilipino ay nananatiling walang alam sa isinusulong na Maharlika Investment Fund ng pamahalaan.

Base sa survey ng Social Weather Station (SWS) halos kalahati ng publiko o 47 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing halos o wala talaga silang alam tungkol sa MIF bill.

Habang nasa 33 bahagdan naman ang nagsabing kakaunti lamang ang kaalaman nila tungkol sa panukala.

Ayon sa SWS, 15% lamang ng mga Pilipino ang nagsabing may kakaunti ngunit sapat na kaalaman sa Maharlika bill at limang porsyento ang mayroong malawak na kaalaman kaugnay rito.

Isinagawa ang survey noong March 26 hanggang 29 ngayong taon kung saan sumagot dito ang 1,200 adult Filipinos.

(JESSE KABEL RUIZ)

133

Related posts

Leave a Comment