NABITAG sa inilatag na manhunt operation sa isang lalaking umano’y nangholdap sa isang 23-anyos na e-trike driver sa Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Sonny Boy Isleta, 32, jobless, ng Barangay 182, Gagalangin, Tondo.
Nabatid sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, bandang alas-1:00 ng madaling araw nang holdapin ng suspek ang biktimang si “Alvin”, at tinangay ang halagang P700 kita sa pamamasada, at ang e-trike ng biktima na P80,000 ang halaga.
Agad nagpasaklolo ang biktima sa Gagalangin Police Community Precinct, sakop ng Station 1, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Isinagawa ang follow-up operation sa pangunguna ni Police Captain Gary Mendoza, hepe ng PCP, kasama sina Police Staff Sergeant Archibald Beran at Police Corporal Ron-Marquis Disameto.
(RENE CRISOSTOMO)
