MGA BALA, BARIL NAKUMPISKA SA CAVITE

CAVITE – Samu’t saring mga baril at bala ang nasamsam sa isang 26-anyos na lalaki sa isinagawang search warrant operation sa bahay nito sa Imus City noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Adriane Carl Calimlim y Gonzales, residente ng Brgy. Mariano Espeleta 3, Imus City.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Arvin Balbuena ng Imus City, dakong alas-12:28 ng hapon, nagsagawa ang pinagsanib na pwersa ng Police Provincial Intelligence Unit (PIU), lead unit, at mga operatiba ng Imus City Police, ng operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Adeliza H. Magno-Gingoyon ng RTC Branch 4, Imus City, sa bahay ni Calimlim sa Brgy. Mariano Espeleta 3, Imus City, dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act) kung saan tumambad sa kanila ang samu’t saring baril at mga bala.

Kabilang sa mga nakumpiska ang isang Scorpion Evo 3 s1 cal. 9mm, rifle; apat na Fiber plastic magazine ng kalibre 9mm; labing-tatlong live ammunition para sa kalibre 9mm; isang Pistol Spartan cal. 45 pistol; dalawang high cap magazine ng kalibre 45; dalawampung live ammunition para sa cal. 45; isang cal. 45 Colt pistol; dalawang standard magazines ng cal. 45; labing-apat na live ammunition para sa cal.45; isang cal. 5.56 colt (M16) rifle; limang long magazines para sa cal. 5.56 rifle, at at isang ziplock na naglalaman ng 20 pirasong bala ng cal. 5.56, o kabuuan na apat na baril at 67 na bala.

(SIGFRED ADSUARA)

594

Related posts

Leave a Comment