Anak nadamay OBRERO PINATAY SA LOOB NG BAHAY

patay

QUEZON – Patay ang isang construction worker habang sugatan ang menor de edad na anak nito matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Abril De Luna Buenavista, 34-anyos, dahil sa mga tama ng bala sa likod.

Base sa report ng Candelaria Police, dakong alas-9:00 ng gabi, nasa loob ng kanyang bahay sa Barangay Pahinga Norte ang biktima kasama ang anak na si Khizalhayn, nang puwersahang pasukin ng suspek na nakasuot ng itim na jacket at armado ng maiksing kalibre ng baril.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang biktima na agad bumulagta sa kama.

Nahagip naman ng ligaw na bala ang anak nito na tinamaan sa kamay.

Agad ding tumakas ang suspek na winasak pa ang bakod ng bahay para mabilis na makalabas.

Inaalam pa ng mga pulis ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

124

Related posts

Leave a Comment