ANG INIT!

HABANG tumatagal, gumagrabe ang init ng panahon sa Pinas at kapag panahon naman ng tag-ulan, palakas nang palakas din ang mga bagyong dumarating sa ating bansa.

Nangangahulugan na hindi imahinasyon lang ang climate change. Ramdam na ramdam nating lahat ‘yan at sa ­katunayan ang Pilipinas ang ikalawa sa mga bansa sa mundo na apektado sa pagbabago ng panahon.

Base sa Germanwatch ­Institute, ang Japan ang pinaka-apektado sa climate change, pangalawa ang Pilipinas at ikatlo ang Germany, sumunod ang mga bansang Madagascar, India, Sri Lanka at Kenya, ­Ruanda, Canada at Fiji sa top 10 countries na pinakaapektado.

Sa nabanggit na mga bansa, ang Japan at Germany lang ang industrialized countries at lahat ay third world countries na kasama siyempre ang ­Pilipinas dahil puro imahinasyon pa rin ang sinasabing unti-unti na tayong umaalagwa sa ­estado natin bilang isa sa ­pinaka-­probreng nasyon sa mundo.

Mas maraming mahihirap na bansa katulad natin, ang nagdudusa habang ang mga dahilan kung bakit lumalala ang climate change ay nagpipista at tila walang pakialam.

Base rin sa world record, ang China ang nangunguna sa mga bansa sa mundo ­pagdating sa carbon emission na pangunahing dahilan ng climate change, pangalawa ang United States (US).

Top three sa carbon emission ang India sumunod ang Russia, Japan, Germany, Canada, Iran, South Korea, Indonesia, Brazil, Mexico, Australia, South Africa, Turkey, United Kingdom, France at iba pa…. (haba ng listahan).

Pero nasaan ang Pilipinas, ika-36 ang Pilipinas sa mga bansa na nagbubuga ng carbon dioxide pero ang kontribusyon natin sa emission ay 0.31% lamang kumpara sa China na 29.18% at 14.02% ng US.

Nangako ang mga bansang ito na hindi na ­magbubuga ng carbon dioxide na sumisira sa ozone layer na ­nagiging dahilan ng malalakas na bagyo at ­pag-init pa ng mundo pero hindi sila nakatupad kaya ang magdudusa ay ang mga pobreng bansa at ­mamamayan nila kasama na tayo.

Dito sa ating bansa, ang dating mga patakaran na ­ipinatutupad ay tulad ng bawal magsunog ng mga tuyong dahon at may kanya-kanyang sistema ang mga barangay tulad ng pagmumultahin ang mahuhuli ng P1,000 hanggang P3,000.

Kahit papaano ay may mga lugar pa kasi sa Metro Manila na may mga puno sa kanilang village o komunidad at ang mga natuyong dahon na araw-araw ay winawalis ay hindi naman kinukuha ng mga naghahakot ng basura.

Okey naman na huwag magsunog ng mga basura at mangilan-ngilan din ang nakikita nating mga sasakyan na smoke belchers dahil mahigpit ang mga otoridad para ma­proteksyunan ang kalikasan pero kahit anong gawin natin kung ang mga bansang tulad ng China ay hindi sumusunod sa programang magbawas ng carbon emission, ay walang mangyayari.

Idalangin na lang natin na mabawasan ang init ng panahon sa Pinas at walang darating na malalakas na bagyo dahil ang Diyos pa rin ang makapangyarihan sa lahat.

173

Related posts

Leave a Comment