ANGARA NAG-TAKEOVER NA SA DEPED

OPISYAL nang nag-takeover si Senador Sonny Angara bilang kalihim ng Department of Education kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

Sa simpleng turnover ceremony sa DepEd Complex in Pasig City, ipinasa na ng Bise Presidente ang DepEd Seal at Flag kay Angara na simbolo ng transition of leadership sa kagawaran.

Agad namang nagpasalamat ang senador na ngayon ay ika-tatlumpu’t pitong kalihim ng DepEd sa Bise Presidente kasabay ng pangakong gagawin ang lahat para maiangat ang education system sa bansa.

Sinabi ni Angara na buong pagpapakumbaba niyang tinatanggap ang katungkulan bilang tugon sa tiwala at hamon ng Pangulo na pag-ibayuhin ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karunungan para sa ating mga mag-aaral.

Binigyang pagkilala rin ni Angara si Vice President Sara at ang iba pang outgoing officials ng kagarawan na sa loob ng dalawang taon ay naging sandigan ng mga mag-aaral at guro sa panahon ng mga suliranin.

Samantala, ayon kay Senate President Francis Chiz Escudero, ngayong araw, July 19 nakatakdang magbitiw sa pagiging senador si Angara dahil ito ang pagsisimula ng kanyang panunungkulan sa DepEd.

Welcome pa rin naman anya si Angara na dumalo sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 19th Congress sa Lunes. (DANG SAMSON-GARCIA)

149

Related posts

Leave a Comment