NETIZENS SA MMDA RAMP SA EDSA BUSWAY: SLIDE TO HELL

“SLIDE TO HELL.” Ikinadismaya ng riding public ang rampang ito na itinayo ng MMDA sa PhilAm station ng EDSA Busway sa Quezon City na lubha anilang mapanganib lalo sa mga naka-wheelchair. (ART SON)

HINDI ikinatuwa ng mga netizen ang ipinagawang rampa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa PhilAm station ng EDSA Busway sa Quezon City.

Layon ng rampa na maging accessible sa mga senior citizen, buntis at PWDs ang busway kaya nilagyan ng rampa sa istasyon. Gayunman, nang buksan ito sa publiko ay batikos at hindi papuri ang tinanggap ng MMDA mula sa nadismayang mananakay.

May isang netizen pa ang nagsabi na kung dati ay ‘stairway’ to heaven’ ang itinayo ng MMDA, patungkol sa nag-viral ding footbridge sa Quezon City, ngayon naman ay ‘slide to hell’ ang kanilang ginawa.

Maging Si Sen. Grace Poe ay binatikos ang proyekto na aniya’y pagsasayang lang ng pera ng taumbayan.

Ang rampa kasi na para sa mga PWDs na naka-wheelchair ay hindi rin mapapakinabangan dahil sobrang matarik at madulas lalo pag nabasa ng ulan at delikado para sa mga may kapansanan.

Giit ni Poe, sa halip na makatulong ang rampa para sa mga PWDs na sumasakay ng bus, magiging buwis-buhay pa ang paggamit nito.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MMDA kasunod ng mga puna at batikos ng publiko.

“Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka-wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan,” ani MMDA acting chairman Romando Artes.

“Kumpara sa nag-viral na photo, hindi ito masyadong matarik kung lalakaran,” aniya pa.

265

Related posts

Leave a Comment