APALGU AT AKOOFW NAGSANIB PWERSA PARA SA MGA OFW

PORMAL nang nagsanib pwersa ang Association of  Philippine Administrator of Local Government Unit (APALGU) at ang Advocates and Keepers Organization of OFW Inc (AKOOFW) upang

lalong palakasin ang pagpapalaganap ng impormasyon na may kinalaman sa kapakanan at karapatan ng mga OFW at pamilya ng mga OFW .

Kinikilala ng APALGU ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta  at pagkilala sa sakripisyo ng bawat pamilya ng OFW na halos bawat kalye sa bawat barangay ay mayroon mga OFW.

Ang APALGU ay isang samahan ng mga tinatawag na mga “Little Mayor” dahil ito ay binubuo ng mga Municipal, City at Provincial Administrators. Mga opisyal na sadyang malalapit sa mga Mayors at Governors.

Ito ay pinamumunuan nina: Interim Chairman – Ms Carmen Jimenez, Provincial Administrator ng Quirino Province,

Interim President – Dr. Edwin Monares, Provincial Administrator ng Capiz; Interim Vice President – Prof. Vlad Mata, Administrator ng Dagupan City; Interim Secretary General – Atty Dennis Acorda, Administrator ng lunsod ng  Pasay; Board Secretary – Roger Benitez na Administrator ng Alicia, ­Isabela; Legal Consultant – Atty Joselito Castro ng Tarlac City; Executive Director – Jel R. Jiongco,Trustee and ­Administration – Nikka Sotelo, Trustee – Dave Torres at Atty Sannah  Frivaldo.

Sa pormal na kasunduan na pinirmahan ni Executive Director Jel Jiongco at ng inyong lingkod na tinunghayan ni Mayor Cristy Angeles ng Tarlac City noong  Abril 23, 2021, ay napagkaisahan namin na magtutulungan ang APALGU at AKOOFW sa pagpapalaganap ng impormasyon na may kinalaman sa mga benepisyo ng OFW katulad ng sa Tulong Puso sa bawat bayan o probinsiya sa buong Pilipinas.

Hangarin nito na ang bawat bayan o probinsiya ay maglaan ng oras upang makapanayam ang mga OFW o pamilya ng OFW.

Dahil sa ang mga administrator ng bawat munisipyo at probinsiya ay sadyang malapit sa mga alkalde at gobernador, ay maari rin mapadali ang pagpapaabot ng mga kahilingan ng mga OFW sa kanilang mga Mayor o Gobernador.

Kabilang sa mga hinihiling ng AKOOFW sa APALGU ay ang maiparating sa mga Mayor ang pagsisimula ng pagkakaroon ng OFW Advisory Council sa bawat barangay na kung saan ito ay pamumunuan ng Barangay Captain at ng Kagawad ng barangay na may hawak ng Social Service Committee at ang mga miyembro ay mga dating OFW o pamilya ng OFW.

Ang OFW Advisory Council ay magsisilbing tagapayo ng konseho sa gagawa ng ordinansa o resolusyon upang sa ganoon ay lagi nilang maikonsidera sa usapin ang kapakanan ng mga pamilya ng OFW sa kanilang Barangay.

Isa pa sa hinihiling ng AKOOFW sa APALGU na ­ipakiusap sa mga Mayor na ­ikonsidera na pakiusapan ang mga establisimyento na magkaloob ng OFW Discount sa kanilang mga bayan upang kahit papaano ay maramdaman ng mga pamilyang OFW ang ­pagpapahalaga ng ­bayan sa ­sakripisyo ng bawat OFW at pamilya ng OFW.

Nitong Miyerkules ay ­nagtungo ang APALGU at AKOOFW  sa bayan ng Santa Maria, Laguna sa imbitasyon ni Mayor Cindy Carolino. Dito ay sinimulan ng APALGU at AKOOFW ang napagkasunduang Information Caravan. Umabot sa mahigit 400 katao na kinabibilangan ng mga OFW, dating OFW at pamilya ng OFW ang dumalo.

Nakakatuwa na ang mga taong dumalo ay hindi bumitiw o umalis sa kanilang kinauupuan at seryosong nakikinig sa mga inihahatid na impormasyon. Nagsagawa rin ng question and answer na lalong nakapagpalinaw sa mga bagay na pinag-uusapan.

Ang AKOOFW at APALGU ay labis na nagpapasalamat kay Mayor Cindy Carolino at ang lahat ng mga konsehal na nakibahagi sa isinagawang AKOOFW-APALGU INFO CARAVAN.

395

Related posts

Leave a Comment