ARI-ARIAN NG MGA SANGKOT SA FC ANOMALY IPABUBUSISI SA AMLC

MAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Anti-Money Laundering Commission (AMLC) para sa forfeiture ng assets at pag-freeze sa mga ari-arian ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sa press conference nitong Biyernes ng umaga, tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon na hahabulin nila ang mga contractor sa likod ng ghost projects partikular sa flood control.
Aniya, kailangan maibalik ang pera na ninakaw sa kaban ng bayan.

Dagdag pa ni Dizon, hindi lamang pagnanakaw ng pera ang dapat busisiin kundi ang idinulot na malaking pinsala sa ating mga kababayan.

Samantala, kinumpirma ni Dizon na pipirmahan niya ngayong araw ang dismissal nina Brice Hernandez at JP Mendoza.

Sina Hernandez at Mendoza ay mga empleyado sa District Engineering Office ng Bulacan na dawit sa isyu ng maanomalyang flood control projects na iniimbestigahan ng parehong Kapulungan ng Kongreso.

(JOCELYN DOMENDEN)

60

Related posts

Leave a Comment