SINABI ng Office of Civil Defense (OCD) na inaasahan na nito ang mas maraming bilang ng bakwit sa gitna ng matinding ashfall kasunod ng “explosive eruption” ng Bulkang Kanlaon.
“There are 2,000 families in the 22 evacuation centers, but this could increase because the ashfall is really intense due to the Kanlaon volcano explosion, reaching 4,000 meters or four kilometers [from the volcano],” ang sinabi ni OCD spokesperson Chris Noel Bendijo.
“We are monitoring residents in nearby areas in Bago, Canlaon, La Carlota, La Castellana and even San Carlos,” aniya pa rin.
Sa ulat, may ilang lugar sa La Castellana ang natakpan ng ash (abo). May ilang daan naman ang nagkaroon ng ‘minimal visibility’ habang sinusubukan ng mga residente na linisin ang kanilang mga tahanan dahil sa ash.
Samantala, sinabi ng OCD na ang local government units “have been responding well and have dispatched water filtration units and water trucks.”
“Since February, we have been able to process 186,000 liters of water, and we have a standby of 690 sacks of rice, but admittedly, when it comes to food items, it is really challenging because when you stay at the evacuation for quite a while, we cannot have the same food intake over and over for a prolonged period,” ang winika ni Bendijo.
Tinuran ni Bendijo na mayroong 12,000 face masks na naka- stock, subalit tinitingnan pa rin nila na dagdagan ang bilang nito.
Gayundin, sinabi ni Bendijo na ang Quick Response Fund ng mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan ay available para sa karagdagang gastos.
Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na kaagad na ipaaabot ang tulong sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
(CHRISTIAN DALE)
