ATTY. VIC RODRIGUEZ: TULOY ANG LABAN KONTRA KORUPSYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

BAGO matapos ang bilangan sa katatapos na national at local elections ay agad nagpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat si senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez sa mga taong nakasama niya sa panahon ng kampanya, higit sa lahat sa mga nagtiwala sa kanya.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post si Rodriguez nitong Martes ng pasasalamat at pagtiyak na hindi siya titigil sa paglaban kontra korupsyon.

Bagaman hindi pinalad sa katatapos na halalan, pinasalamatan niya ang lahat ng kumilala sa kakayahan niyang mamuno.

Narito ang bahagi ng kanyang post:

“Para sa Pilipino at Inang Bayan!PH Sa lahat ng nagpahayag ng pagkilala sa aking liderato’t kakayahang mamuno, sa mga nagtiwala’t tumangkilik, taos puso ang aking pasasalamat. Sa mga overseas Filipino workers (OFW) at migrants saan man panig ng mundo, hindi po ninyo ako pinabayaan at asahan ninyo na mananatili kayo sa aking puso. Patuloy nating tutulan ang korapsyon at pagmalasakitan ang kapwa Pilipino, sikapin na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang ating mga kabataan at bantayan ang kaban ng bayan. Muli, tanggapin po ninyo ang aking respeto, pagkilala at taos pusong pasasalamat sa inyong lahat.”

59

Related posts

Leave a Comment