Comelec sa mga kandidato: 5-ARAW LANG PARA BAKLASIN CAMPAIGN MATERIALS

BINIGYAN ng Commission on Elections (Comelec) ng limang araw ang mga kandidato na tanggalin online at baklasin ang kanilang mga campaign material.

Ito ay para hindi sila maharap sa election offenses base na rin sa resolusyon ng fair election act na posibleng maging dahilan ng diskwalipikasyon.

Ayon kay Atty. Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, nakatutok ang Task Force Baklas para mapanagot ang mga hindi susunod.

Matatandaan pinakita ng Comelec na seryoso sila na ipatupad ang nasabing resolusyon.

Sinampahan ng Task Force Baklas ng disqualification case ang mga kandidatong naglagay ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.

Samantala, balik-sesyon na ang National Board of Canvasser para sa canvassing ng boto ng senador at party-list groups.

Ito ay pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Partikular na binibilang ang mga certificate of canvass na dumating sa national board of canvassing mula sa munisipalidad, siyudad at ibang bansa.

Kahapon ng umaga, 30 certificate of canvass na ang natanggap at nabilang habang 175 ang kabuuang COC na dapat bilangin.

Ngayong balik sesyon sinimulan na ring bilangin ang COC na mula Timor Leste, Jordan at Chile.

Present sa canvassing ng mga COC ang kinatawan ng mga party-list group at kandidato sa pagkasenador.

(JULIET PACOT)

67

Related posts

Leave a Comment