RIZAL – Si Baras Mayor Kathrine Robles ang nadagdag sa mga alkalde ng Lalawigan ng Rizal na nagpositibo sa COVID-19. Naunang nagpositibo si Mayor Joric Gacula ng Taytay at si Jala-jala Vice Mayor Jolet Delos Santos na namatay nitong Martes. Positibo rin si Gov. Rebecca Ynares at naka-home quarantine si Antipolo City Mayor Andeng Bautista-Ynares. Sa press statement ni Mayor Robles sa PaMaMariSan Rizal Press Corps, inamin niyang positibo siya sa COVID-19. Sa kanyang pagtupad sa tungkulin at pakikihalubilo sa mga taga Baras ay kinailangang magtungo siya sa ibang bayan…
Read MoreAuthor: admin
COVID POSITIVE SA DAVAO GALING SA SABUNGAN
DAVAO City – Makaraang ibunyag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may local transmission na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa lungsod, isa na namang 72-anyos na lalaki mula sa isang sabungan sa lalawigan ng Davao del Sur ang nakumpirmang positibo sa virus. Sa inilabas na test result ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Lunes, Marso 30, ayon sa opisyal ng Municipal Health Office (MHO) ng Matanao, Davao del Sur, may exposure ang nasabing pasyente sa New Matina Gallera dito sa lungsod noong Marso 13, 2020,…
Read MoreNPA NA NANGIKIL NG BIGAS, CASH NAPATAY
QUEZON – Napatay ang isang miyembro ng New People’s Army habang nagsasagawa ng extortion activities nang magresponde ang mga tauhan ng 2nd infantry Division, na pinamumunuan ni M/Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, sa Brgy. Bungahan, bayan ng Gumaca sa lalawigang ito. Ayon kay M/Gen. Burgos, nasa gitna ng krisis ang mamamayan dahil sa umiiral na Luzonwide community quarantine bunsod ng coronavirus disease ngunit walang awang inaagawan ng mga NPA ng kabuhayan ang mahihirap. Nakuha ang isang granada at improvised explosive devised sa napaslang na rebelde nang makasagupan ng mga tauhan ni…
Read MoreNANIGAW NG AMA, BINARIL
NUEVA Vizcaya – sugatan ang isang 30-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang ama nang magtaas umano ng boses ang biktima, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Grinzen Umaguing habang kusa namang sumuko sa pulisya ang ama at suspek na si Lohegrin Umaguing, 57, kapwa residente ng Quirino, Bagabag, Nueva Vizcaya. Ayon kay P/Master Sgt. Jayson Naval ng Bagabag Police Station, nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, sinita umano ng batang Umaguing ang ama hinggil…
Read More3 PATAY SA AWAY NG 2 ANGKAN
COTABATO – Patay ang tatlong miyembro ng mag-anak habang dalawang iba pa ang sugatan nang magkasagupa ang dalawang armadong grupo dahil sa away sa lupa o rido, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga napaatay na sina Samsudin Pasandalan, 47; Nasrodin Mangandili, 33, at Mohimin Pasandalan, 27, habang ang mga sugatan ay sina Koriano Mangandili at Bronson Pasandalan, pawang mga residente ng Brgy. Balungis, Pikit, North Cotabato. Batay sa report ng Pikit-PNP, nangyari ang insidente sa Brgy. Balungis, Pikit, Cotabato. Lumabas sa imbestigasyon, nagkasagupa ang grupo…
Read More29 MIYEMBRO NG BIFF SUMUKO
MAGUINDANAO – Umaabot sa 29 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction, ang sumuko sa mga tauhan ng AFP Western Mindanao Command sa lalawigan ng Maguindnao nitong katapusan ng buwan, ayon sa kanilang taga pagsalitang si Maj. Arvin Encinas kahapon. Nagsalong ng kanilang high powered firearms at iba pang gamit pandigma ang sumukong BIFF members sa himpilan ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Zapakan, Rajah Buayan, Maguindanao. “A holistic approach, applying military and non-military actions will be sustained, and hoping that the other various militant factions in…
Read MoreVM JOLET KAWALAN SA JALAJALA – REP. NOGRALES
NAGDADALAMHATI si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa pagkamatay ni Jalajala, Rizal Vice Mayor Jose “Jolet” delos Santos dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ayon kay Nograles, malaking kawalan sa Jalajala, Rizal ang hindi inaasahang pagpanaw ni Delos Santos lalo na sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga constituent. “Vice Mayor Jolet’s passing is a great loss and leaves a vacuum of leadership. I hope, and I believe, that the rest of Jalajala’s leaders will step up to fill this void,” pahayag ni Nograles. Nabatid na pumanaw si…
Read MoreKAHIT POSITIBO NA SI SEC. ANO, PDU30 WALA MUNANG ‘TAKE 2’ SA COVID TEST
HINDI na muna ulit isasalang sa COVID-19 test si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na magpositibo si DILG Sec. Eduardo Año. Sa text message ni Senador Bong Go, sumagot ito ng ‘di na muna’ sa tanong kung magpapa-covid 19 test ang Chief Executive matapos nga na magpositibo ang Kalihim. “Opo, ingat lang po” ang naging sagot naman ni Go sa tanong kung itutuloy lang ng Pangulo ang self-quarantine sa Bahay Pagbabago. Nauna rito, mismong si Sec. Año ang nag-anunsyo sa publiko na positibo siya sa COVID-19. “I wish to make…
Read MorePOLITIKONG ‘EPAL’ PINUNA NG MALAKANYANG
WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para ibalandra ng mga opisyales ng gobyerno ang kanilang pagkakakilanlan habang nagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, walang sinomang politiko ang dapat umangkin ng kredito sa gitna ng ginagawang pagtulong ng pamahalaan sa taumbayan ngayong panahon ng krisis. Ang katuwiran ni Sec. Panelo ay hindi naman galing sa kanilang bulsa ang ipinagkakaloob nilang tulong sa kanilang constituents at sa halip, iyon ay galing sa pera ng pamahalaan. Kaya, walang pamumulitikang dapat na mangyari lalo na sa panahong ito at…
Read More