Ikakasa ng mga magsasasaka 100K SIGNATURE VS RICE TARIFF LAW

MULING mangangalap ng karagdagang 100,000 lagda ang grupo ng mga magsasaka matapos hindi matinag ang pamahalaan sa 50,000 signature para ipabasura ang Republic Act (RA) 111203 o Rice Liberalization Law na kilala rin bilang Rice Tariffication Law. Itataon ang pangangalap ng lagda sa Araw ng mga Puso sa Pebrero 14, o isang araw bago ang unang taon nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas noong Pebrero 15, 2019. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, unang nangalap ang grupo ng mga magsasaka ng 50,000 lagda noong nakaraang taon…

Read More

ABS-CBN HANGGANG MARSO NA LANG?

POSIBLENG hanggang Marso na lang ang ABS-CBN dahil senyal na “patay” na ang prangkisa nito matapos ang inihaing quo warranto case ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema. Ganito inilarawan ng administration congressman na si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang quo warranto case na isinampa ni Calida at babala rin umano ito sa mga congressman na nagtutulak para sa panibagong prangkisa ng nasabing TV network. “That is the correct word, it will have a chilling effect on some of the representatives who will be attending the hearing,”…

Read More

TRILLANES SWAK SA SEDITION

trillanes

PASOK sa kasong sedition ng Department of Justice si dating Sen. Antonio Trillanes IV at sampung iba pang miyembro ng oposisyon. Na-indict ng DOJ sina Trillanes, Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy,” dismissed police official Eduardo Acierto, at Fr. Albert Alejo sa kasong “conspiracy to commit sedition” sa ilalim ng Article 141 ng Revised Penal Code. Na-indict din sina Jonnel Sangalang, Yolanda Villuaneva Ong, Fr. Flaviano Villanueva, Vicente Romano III, Joel Saracho, Boom Enriquez, at isang alyas “Monique.” Abswelto naman ang iba pang personalidad kabilang ang ilang abogado at mga paring…

Read More

2 DISTRITO NG S LEYTE PINABUBUWAG

HINDI pa man ganap na naipatutupad ang batas na nagtatakda ng dalawang distrito ng Southern Leyte, pinabubuwag na ito ng mismong may akda ng Republic Act (RA) 11198 na si Rep. Roger “Oging” Mercado. Sa kanyang House Bill 6071 na inihain ni Mercado noong Enero 27, 2020 o mahigit isang buwan matapos siyang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) noong Disyembre 17, 2019, nais nito na amyendahan ang RA 11198 na nagtatakda na hatiin sa dalawang distrito ang Southern Leyte. “An Act proving for the reappointment of the province of…

Read More

SARAH AT MATTEO SA IBANG BANSA IKAKASAL

sarah12

Nabalitaan namin na nakatakdang mag-renew ng kanilang wedding vows ang parents ng pop superstar na si Sarah Geronimo, ang kanyang Daddy Delfin at Mommy Divine na mangyayari umano sa darating na March 14.  Sa March din nakatakdang ikasal sina Sarah at fiancé nitong si Matteo Guidicelli.  Sa dalawang okasyon na magaganap ay tatayong isa sa mga ninong ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario. Samantala, gaano kaya katotoo ang balita na sa ibang bansa ang kasal nina Sarah at Matteo?     302

Read More

‘TABING ILOG’ MAY MUSICAL PLAY

Ginawang stage musical ng ABS-CBN ang isa sa kanilang pinaka-successful TV series, ang teen drama series na “Tabing Ilog” na sinimulan in 1996 at nagtapos noong 2003.  Dito nagsimula ang respective careers ng mga bagets pa noon na sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Paula Peralejo, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Patrick de la cruz, Desiree del Valle at Baron Geisler.  Maliban kay Paula na huminto na sa kanyang showbiz career magmula nang ito’y mag-asawa in 2013, ang lahat ay aktibo pa sa kanilang showbiz career except for John Lloyd…

Read More

SENATOR WIN SERYOSO KAY BIANCA MANALO

At 45, tila seryoso na ang bachelor senator na si Sen. Sherwin `Win’ Gachalian sa kanyang relasyon sa dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo. Ang misis na ngayon ni Vic Sotto na si Pauleen Luna-Sotto ang unang showbiz girlfriend ni Sen. Win pero ito’y nauwi sa hiwalayan.  Ngayong lang muli naugnay ang binatang senador sa isang showbiz personality. Bago si Sen. Win ay naging kasintahan ni Bianca ang mayor ng Pandan, Antique na si Joanathan Tan.  Si John Prats ang unang showbiz boyfriend ni Bianca na sinundan ng…

Read More

KASAL NINA JUANCHO AT JOYCE STAR-STUDDED

Opisyal nang mag-asawa ang Kapuso talents na sina Juancho Trivino at Joyce Pring matapos ikasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang garden wedding sa Sofitel Philippine Plaza Manila noong nakaraang linggo ng hapon, February 9. The couple got engaged in August 2019 pero noong November 27, 2019 lamang nila ipinaalam sa publiko at noong February 9 ay ikinasal ang dalawa.  Ito’y dinaluhan ng mga Kapuso celebrities at mga kasamahan ng newly-wed couple sa “Unang Hirit”  gayundin ang mga kasama ni Juancho sa “Madrasta” TV series ng Kapuso Network. Matagal na…

Read More

MOMMY DIVINE KONTRABIDA SA KASALANG SARAH-MATTEO

TIYAK na worried ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo dahil sa nangyaring aksidente sa kanyang fiancé na si Matteo Guidicelli habang nagti-training for hit upcoming movie “Penduko” na nagkaroon ng slipped disc.  Dahil dito, pansamantala munang magpapahinga ang singer-actor at triathlon athlete for his therapy. Dapat sana’y ngayong buwan nakatakdang simulan ang shooting ng “Penduko” na pamamahalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana pero dahil sa nangyari kay Matteo, malamang na ito’y maurong unless uunahin ang mga eksena na hindi kasama ang actor. Nakatakdang ikasal sina Sarah at…

Read More