4 SASAKYAN INARARO NG TRUCK, 20 SUGATAN

UMABOT sa 20 katao ang iniulat na nasaktan matapos umanong araruhin ng isang dump truck ang apat na sasakyan, kabilang ang isang pampasaherong jeep, nang mag-overshoot ito sa Taytay, Rizal, noong Sabado ng umaga, Oktubre 17, 2026.

Ayon sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), may lulang buhangin ang nasabing dump truck habang binabaybay ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension bandang Tikling area.

Idinagdag pa sa ulat na nag-overshoot umano ang dump truck sa isang kurbadang bahagi ng highway sa bandang Barangay Dolores at tumawid sa kabilang linya hanggang sa masalpok nito ang isang Xpander, motor, tricycle at pampasaherong jeep.

Sinabi pa ng imbestigador na sugatan ang 4 na driver at 15 pasahero ng sasakyan bagama’t nagkaroon lamang ng minor injuries ang mga biktima.

Agad isinugod sa malalapit na mga ospital ang mga biktima habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon.

Alas dos ng hapon nang muling binuksan ang trapiko sa publiko.

(NEP CASTILLO)

78

Related posts

Leave a Comment