PATAY ang isang 67-anyos na lola matapos saksakin sa leeg bago sinunog ang kanyang sari-sari store sa Barangay Magdapio, Pagsanjan, Laguna, noong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 16.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Pagsanjan Municipal Police Station, unang iniugnay ng Bureau of Fire Protection sa faulty electrical wiring ang sunog na naiulat dakong alas-3 ng madaling araw.
Ngunit sa patuloy na pagsisiyasat sa labi, lumitaw sa death certificate ng biktima na saksak sa leeg ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sumuko ang suspek sa mga awtoridad matapos siyang puntahan ng mga imbestigador at opisyal ng barangay sa kanyang tirahan, habang muling namang iniimbestigahan ng BFP ang posibilidad na sinadyang sinunog ang tindahan upang pagtakpan ang umano’y pagpatay.
(NILOU DEL CARMEN)
75 