ISANG itinuturing na foreign high value target ang inaresto matapos na mahulihan ng P5.96 milyong halaga ng party drugs sa isinagawang anti-narcotics operation ng Angeles City Police Office sa Barangay Balibago, Angeles City, nitong nakalipas na linggo.
Ayon sa ulat, inaresto ang 46-anyos na Nigerian national na kinilala sa alyas na “Justine” matapos mahulihan ng 3,510 piraso ng hinihinalang ecstasy o happy pills kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng ACPO Police Station 4, City Intelligence Unit, Regional Drug Enforcement Unit, at iba pang yunit sa pakikipagtulungan ng PDEA Region 3 sa 1st Street, Barangay Balibago bandang alas-10:30 ng gabi noong Sabado.
Sa pahayag noong Sabado, sinabi ng Angeles City Police, ang 46-year-old Nigerian national ay kabilang sa foreign “high-value individuals” ng pamahalaan sa ilegal na droga.
“The operation resulted in the arrest of a 46-year-old male Nigerian national identified as a high-value individual, and the confiscation of 3,510 pieces of suspected ecstasy tablets with an estimated Standard Drug Price of P5,967,000,” ayon sa Angeles City Police.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Central Luzon Police na ang naarestong Nigerian national ay residente ng Mabalacat City.
Nahaharap ito sa reklamo ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(JESSE RUIZ)
72 