NAGDESISYON ang Department of Education (DepEd) na kanselahin ang Palarong Pambansa dahil sa novel corona virus. Ipinaalam ito ni Education secretary Leonor Briones sa kasagsagan ng Senate inquiry kaugnay sa 2019-nCov, Martes. Maging ang ibang education-related events kung saan maraming tao ang inaasahang pupunta ay kanselado na rin, ayon kay Briones. “If you take Palaro, you take 30,000 learners as well as parents and grandparents attending. And we have been advised to take care with exposing our children to public places. So right now, the policy is temporary postponement of…
Read MoreAuthor: admin
11 DALAGITA MINOLESTIYA NG MANYAK NA EX-SEAMAN
NASUKOL nang pinagsanib na puwersa ng Manila Police District-Special Mayors Reaction Team (SMaRT) at mga tauhan ng MPD-Sampaloc Police Station 4, ang isang 45-anyos na dating seaman makaraang ireklamo ng pagmolestiya sa 11 dalagitang may edad na 12-anyos hanggang 16-anyos, na nakilala niya sa Facebook, nitong Lunes ng gabi sa Sampaloc, Manila. Iniharap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ni P/Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng SMaRT, ang suspek na si Francisco Zorillo y Panaguiton, binata, ng #943-B Maceda St., Sampaloc, Manila. Batay sa ulat ni P/Major Ibay, natimbog nila…
Read MoreWAP 2020 NATIONAL CHAMPIONSHIP SA MARSO
ISASALANG ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) ang pinakamalaking event para sa wrestling enthusiasts sa bansa sa unang quarter ng taong 2020. Ayon kay WAP president Alvin Aguilar, gaganapin sa Festival Mall sa Alabang, Muntinlupa City sa Marso 7-8 ang WAP 2020 Nationals Championship, isang open tournament para sa mga lalaki at babaeng grapplers sa Pilipinas. Ang dalawang araw na kompetisyon ay naaayon sa weight division at age category na paglalabanan sa grappling at Greco Roman (men and women). “This first big event of the year aims to discover…
Read MoreLADY RED SPIKERS SOLO FOURTH NA
NASOLO ng San Beda University ang solo fourth sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament makaraang gapiin ang Emilio Aguinaldo College (EAC), Lunes sa FilOil Flying V Centre, San Juan. Bumida para sa Lady Red Spikers sina Cesca Racraquin at Nieza Viray na nagtulong upang makuha ang 25-15, 25-16, 27-25 panalo at matuldukan ang two-game slide para panatilihing buhay ang tsansa na mapasama sa Final 4. Nagsumite si Racraquin ng 22 points na may 18 kills at 3 aces, kasama ang 7 receptions at 9 digs, habang si Viray ay…
Read MoreSWEEP, SASAKMALIN NG NU BULLPUPS
ISANG panalo pa at sweep na ng National University-Nazareth School ang UAAP Season 82 High School Boys’ Basketball Tournament elimination round. Ito’y makaraang sagpangin ng Bullpups noong Linggo ang University of the Philippines Integrated School (UPIS), 113-76, sa Filoil Flying V Centre, San Juan. Haharapin ng defending champions National University-Nazareth School ang 12-1 Far Eastern University-Diliman bukas (Miyerkoles) para sa target na kumpletuhin ang sweep. Ngunit makukuha ng Baby Tamaraws ang top seed kung tatalunin nila ang NU ng 16 o higit pang puntos. Sina Steve Nash Enriquez at Terrence…
Read More45th PBA SEASON AABOT SA 2021
45th PBA SEASON AABOT SA 2021 GAYA ng 44th season, aabutin ng mahigit isang taon ang Philippine Basketball Association (PBA) sa taong ito. Ayon sa mga pinuno ng PBA, ang iskedyul ng nakaraang taon ang susundin nila dahil sa pagsingit sa programa ng Gilas. Kaya magsisimula ang Philippine Cup sa Marso 1. Tampok sa season-opening ang salpukan ng five-time defending champion San Miguel Beer kontra Magnolia sa Araneta Coliseum. Magtatagal ang All-Filipino Cup hanggang Hunyo 2020. Matapos ito ay agad sisimulan ang Commissioner’s Cup kung saan ang mga import ay…
Read MorePORT OF LEGAZPI, PORT OF CEBU PANALO SA TARGET COLLECTION
NAITALA ng Bureau of Customs (BOC) na positibong nalagpasan ng dalawa nitong port sa south ang kanilang target collection para sa buwan ng Enero ngayong taon. Sa ulat ng Port of Legazpi nitong Enero 29, 2020, noong Enero 24 pa lang ay may koleksyon na sila na umaabot sa P60,539,100.00 habang ang kanilang target ay P50,000,000. Ayon sa report na natanggap ng Bureau of Customs -Statistics Analysis Division, ang Port of Legazpi ay nag-post ng kanilang kabuuang koleksyon na P60,539,100.00 kung kaya’t lagpas na P10,539,100.00 o katumbas ng 21.08% ang…
Read MoreBOC MULING NAKAISKOR; P.6-M ILLEGAL DRUGS NASABAT SA NAIA
Muling nakapuntos ang Bureau of Customs- Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) laban sa sindikato ng ilegal na droga matapos makasabat ang ibat-ibang ipinagbabawal na gamot na tinangkang ipuslit. Kabilang sa mga nasabat ng BOC-NAIA ang 71.6 gramo ng shabu at 97 tableta ng valium na nakalagay sa ibat-ibang parcels. Tinatayang nasa P660,000 ng halaga o street value ng ibat-ibang ng mga ilegal na droga na nakumpsika. Ang ipinagbabawal na gamot ay nakita sa DHL warehouse sa NAIA. Nabatid na anim na ibat-ibang packages ay mula sa ibat-ibang consignees na target…
Read MoreBOC NAGHIHIGPIT NG TODO; MGA KARGAMENTONG GALING SA NCOV AFFECTED COUNTRIES SUSURIING MABUTI
NAKIPAG- UGNAYAN ang Bureau of Customs (BOC) sa Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) para sa mahigpit na pagbabantay sa mga kargamento na dumarating sa Pilipinas na nanggagaling sa mga bansang apektado ng 2019 Novel coronavirus (2019-NCoV). Ayon kay BOC Assistant Commissioner at spokesperson Atty. Vincent Maronilla, maagang nagbigay ng direktiba si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa customs personnel na magsuot ng kumpletong kasangkapan sa pagsasagwa ng pagsusuri sa items mula sa mga bansang napaulat na may mga kaso ng 2019 NCOV na natuklasan sa Wuhan, Hubei,…
Read More