33 DRUGGIES HULI SA QC

ARRESTED DRUGS-2

Nakahuli ng 33 katao na sangkot sa iligal na droga ang Quezon City Police District (QCPD) sa buong magdamag. Ang mga nasakote ng iba’t ibang yunit ng QCPD ay kakasuhan sa piskalya ng paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act 9165 sa Lunes pa dahil Sabado na ngayon. Karamihan sa mga nahuli ay walang trabaho at galing sa mahihirap na mga pamilya. Ang QCPD na pinamumunuan ni Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ay isa sa mga aktibong distrito na sakop ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa usapin ng…

Read More

PAGSASAAYOS SA BOC: KONTROL SA PAs INILIPAT SA IAS

GUERRERO-2

(Ni Nelson S. Badilla) Naglabas ng direktiba si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero na naglilipat sa Import Assessment Service (IAS) ang “operational control” ng principal appraisers (PAs) upang higit pang maisaayos at mapabuti ang tungkulin ng ahensya sa paniningil ng buwis sa mga produktong pumapasok ng bansa. Ngunit, inilinaw ni Guerrero na ang “administrative supervision” ng PAs ay mananatili sa District at Sub-port Collectors. Ang pagbabagong ito ay nakasaad sa Customs Memorandum Order (CMO) No. 26 – 2018. Idiniin ni Guerrero sa nasabing memorandum na “All concerned…

Read More

BILYONES DIN ANG PORK BARREL NG MGA SENADOR

Rolando Andaya Jr

(Ni BERNARD TAGUINOD) Bilyones din ang pork barrel na hiniling ng mga senador sa Department of Budget and Management (DBM), ayon sa mataas na opisyal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sabi ni House majority leader Rolando Andaya Jr., na tadtad rin ng mga proyekto ang mga senador, kaya bilyun-bilyon din ang kanilang pork barrel. Aniya, si Senador Panfilo Lacson lang ang walang pork barrel. Ibinunyag ito ni Andaya matapos na isiwalat ni Lacson na P1.9 bilyon ang kanyang pork barrel na nakasingit sa mungkahing P3.757 trilyon national budget ng administrasyong…

Read More

DUTERTE SA SIMBAHAN: ‘HUWAG KAYONG MAKIALAM SA ADMINISTRASYON KO’

DUTERTE-2

Hindi humihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Obispo at pari ng simbahang katoliko, kundi pinatitigil ang mga ito na makialam sa ginagawa ng kanyang administrasyon. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hinihintay ng Pangulo na tigilan ng mga taong simbahan ang pakikialam sa mga desisyon at aksyon ng kanyang administrasyon. Sa halip, tumulong na lamang sa pamahalaan ang mga ito para sa pagpapabuti ng buhay at kapakanan ng mga Pilipino, tugon ni Panelo. Ayon kay Panelo, walang nakikitang iba ang mga pari at obispo sa administrasyong Duterte…

Read More

MAYORALTY BET PINOSASAN SA BUBONG NG BAHAY

AJ GOLEZ4 copy.jpg

NAGTAPOS na ang makapigil hiningang “standoff” na tumagal ng halos 20-oras sa pagitan ng pulisya at ni vice-mayoralty bet Andre Santos nang pasukin na ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang kanyang bahay sa Marilao, Bu-lacan. Naghagis muna ng teargas ang mga pulis at sunod-sunod na putok ang narinig sa lu-gar. Matapos ito magkakasunod nang pumasok ang mga tauhan ng SWAT sa bahay ni Santos. Kahit napasok na siya sa bahay, sinubukan pa ring tumakas ni Santos at sa bubungan na ito inabutan ng mga pulis at…

Read More

MAYORALTY BET SA MARILAO AYAW SUMUKO SA PULISYA: ‘HOSTAGE ME’

AJ GOLEZ

Nagmamatigas ang dating bise-alkalde ng Marilao, Bulacan na hindi siya susuko kahit pa napaliligiran ng pulisya ang kanyang tahanan. Nagsimulang magkulong sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Marilao si Andre Santos mula nang dumating kahapon ang arresting team ng pulisya matapos maglabas ng warrant of arrest ang Parañaque City Regional Trial Court laban sa kanya sa kasong qualified theft. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Santos na kumandidatong alkalde noong 2016 elections. Ayon sa pulisya, naging marahas umano si Santos na armado ng baril at granada.…

Read More

BONG GUILTY SA 2 JUSTICES

SANDIGANBAYAN-2

(Ni ABBY MENDOZA) Dalawa sa limang justices ng Special Division ng First Division ng Sandiganbayan ay naniniwalang nagkasala si dating Senador Ramon “Bong Revilla Jr. sa kasong plunder na inihain laban sa kanya, samantalang tatlo sa kanila ay walang nakitang ebidensiya upang makulong ang dating mambabatas. Ito ay sina Justices Efren dela Cruz at Maria Theresa Dolores Gomez-Estoesta, samantalang ang tatlong mahistrado na kumbinsidong walang partisipasyon si Revilla sa plunder charges na ikinaso sa kanya ay sina Justices Geraldine Faith Econg, Edgardo Caldona at Georgina Hidalgo. Base sa desisyon, walang…

Read More

P3 KADA LITRO ITATAAS SA PRODUKTONG PETROLYO

PETROLYO-13

Inaasahang P3 kada litro ang pinakamataas na itataas sa presyo ng produktong petrolyo sa Enero. Resulta ito ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado bunga ng plano ng oil-producing countries na bawasan ang produksyon ng langis sa susunod na buwan. Ang isa pang dahilan ay ang P2 umento sa excise tax ng produktong petrolyo dahil pinayagan ni Pangulong Rodrigo Revilla na ituloy ang itinakda ng Tax Reform Accessiblity and Inclusion (TRAIN) Law sa Enero 1. Ikalawang tranche ito ng dagdag-excise tax mula sa unang implementasyon nito noong…

Read More

2 NDFP CONSULTANTS TIMBOG SA CAVITE

Rey Casambre

CAVITE – Dalawang pinaniniwalaang opisyal ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang nasakote ng pulisya sa Molino ng lalawigang ito. Ang mag-asawang sina Rey at Patricia Casambre ay nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG – NCR) kaninang umaga sa Molino. Idiniin ng CIDG – NCR na hindi nahuli ang dalawa dahil sa pagiging opisyal nila ng NDFP, kundi sa kasong kriminal na kinasasangkutan nila sa nakalipas na mga taon. Nang madakip ang dalawa ay mga baril at granada ang mga nakuha sa…

Read More