6 MOST WANTED PERSONS SA CAVITE, TIMBOG

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang anim na indibidwal na nasa listahan ng Most Wanted Persons (MWP) ng pulisya sa isinagawang magkakasunod na operasyon sa Cavite.
Unang inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge

Rocille Aquino Tambasacan, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 21, Imus City, Cavite, si alyas “Allan”, nasa listahan ng MWPs Regional Level, bandang alas-9:15 ng umaga sa Brgy. Bayang Luma, Imus City, dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Sumunod na dinampot ng mga operatiba ng Tinambac MPS Camarines Sur, Bicol Region at General Component City Police Station bandang alas-9:30 ng gabi sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, si alyas “Carwin”, nasa listahan ng MWPs, Regional Level, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Glenda Florence Gumba-Almerol, ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Calabanga, Camarines Sur, dahil sa kasong murder. Walang inirekomendang piyansa ang korte.

Dakong alas-7:20 ng umaga nang inaresto si alyas “Ken”, MWP Provincial Level, sa Brgy. Poblacion 1, GMA, Cavite sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Annalie Thomas Velarde, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 64, Labo, Camarines Norte, dahil sa kasong acts of lasciviousness in Relation to Sec. 5, ng RA 7610, at inirekomendang magpiyansa ng P200,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa Carmona City, Cavite, dakong alas-11:35 ng umaga nang arestuhin si alyas “Malou”, MWP City Level, sa Brgy. Maduya, Carmona City, Cavite, sa bisa ng bench warrant na inisyu ni Presiding Judge Carmela B. Nierva-Pitpit, ng MTCC, Branch 4, Dasmariñas City, Cavite, dahil sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (Bouncing Check Law), 13 counts, at inirekomenda ang P78,000.00 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa Bacoor, City, bandang alas-3:45 ng hapon nang arestuhin si alyas “Migghun”, MWP-City Level, sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Charisma Ibanez Nolasco, ng RTC Br. 115, Bacoor City, sa kasong paglabag sa Sec. 3 ng RA 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016) at inirekomenda ang P300,000.00 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Emelita Miranda Portillo, ng Family Court, Third Judicial Region, Branch 7, Palayan City, Nueva Ecija, inaresto si alyas “Emeterio”, nasa listahan ng MWPs Provincial Level, dahil sa kasong acts of lasciviousness (RPC, Art. 336) in relation to Sec. 5(B) ng RA 7610, bandang alas-8:15 ng gabi sa Brgy. San Juan 2, General Trias City, at may inirekomendang piyansa na P180,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

(SIGFRED ADSUARA)

81

Related posts

Leave a Comment