Pinagtibay nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 Director Wardley Getalla (kaliwa) at Bureau of Customs District collector Atty. Elvira Cruz (kanan) ang ugnayan ng ahensiya kontra smuggling ng ilegal na droga matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa pagkakaloob ng BOC Cebu ng magiging sariling tanggapan ng PDEA field office sa nasabing rehiyon. 480
Read MoreAuthor: admin
2 PUNTOS NG UP FIGHTING MAROONS, TUMAPOS SA ADAMSON SA OT
Dalawang puntos ang nagpanalo sa University of the Philippines Fighting Maroons. Dahil sa dalawang puntos na ito, tinapos ng Fighting Maroons ang 32 taong pagkawala sa UAAP Finals. Kaya naman, hindi magkaumayaw ang UP community kung saan nila ibabalagbag ang kanilang kaligayahan sa paligid ng Smart-Araneta Coliseum. Kakaiba ang panalo ng UP dahil nangyari ito sa isang overtime o OT. Pihadong maimamarkang isang “klasikong do-or-die match up” ang paghaharap ng UP Fighting Maroons at Adamson Soaring Falcons dahil naganap ang pagpasok ng bola sa ring upang lumamang ang una sa…
Read More15 ANYOS, KALABOSO SA CARNAPPING
(Ni CHE ALMADIN) Isang 15 anyos na binatilyo ngayon ang inaresto ng mga awtoridad matapos na magawang magnakaw ng sasakyan ng isang negosyante sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas 9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang basketball court na matatagpuan sa Barangay 12, Dagat- Dagatan ng nasabing lungsod. Ayon sa biktimang si Antonio Pantoja, 53 anyos ay sandali lamang umano niyang ipinarada sa lugar ang kanyang Yamaha Mio na motorsiklo upang daanan ang isang kaibigan ngunit ilang…
Read MoreP60M NG BAWAT CONGRESSMAN, P200M NG BAWAT SENADOR, HINDI PORK — ANDAYA
(Ni ABBY MENDOZA) Kinumpirma ni House Majority Leader Rolando Andaya na may matatanggap na milyong pondo ang mga kongresista at senador sa 2019 budget para magamit sa kanilang mga programa at proyekto ngunit nanindigang hindi ito maihahalintulad sa pork barrel funds. “The underlying principle here: no district will be left behind. All will get a piece of the pie for the benefit of their constituents. These are not pork barrel funds declared illegal by the Supreme Court,” paliwanag ni Andaya. Una nang sinabi ni Lacson na ang nasabing pondo ay…
Read MoreCONSTRUCTION WORKER KRITIKAL SA SCAFFOLDING
(Ni CHE ALMADIN) Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang construction worker dahil sa malubhang pinsala nito sa katawan makaraang mag-collapse ang scaffolding na kanilang ginagamit sa pagi-install ng mga metal at tamaan ito sa Lungsod ng Malabon kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Malabon City Police Chief SSupt. Jessie Tamayao, ganap umanong alas – 5:00 pasado ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng kakabukas lamang na Fisher Mall na matatagpuan sa kanto ng C4 Road at Dagat -Dagatan Avenue, Barangay Longos ng nasabing lungsod. Kasalukuyan umano noong…
Read MoreLALAKI, BINURDAHAN NG SAKSAK NG KAPITBAHAY
(Ni CHE ALMADIN) Patay ang isang lalaki matapos na walang habas na pagsasaksakin ng kanila mismong kapitbahay sa hindi malamang kadahilanan sa Lungsod ng Valenzuela kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Valenzuela City Police ay ganap umanong alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng L. Bernardino Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod. Papunta umano sa tindahan sa nasabi ring lugar ang biktimang si Ricky Abayan, 28 anyos, binata, walang hanap buhay ng nasabi ring lugar, bitbit na bote ng beer upang bumili ng maiinom…
Read MorePOBRENG PASYENTE PANALO SA UNIVERSAL HEALTH CARE ACT
(Ni BERNARD TAGUINOD) Mababawasan na ang dagdag na suliranin ng mga mayroong sakit na mga ordinaryong mamamayan, lalo na sa bayarin sa mga ospital kapag maging batas na ang Universal Health Care Bill. Anumang araw ay inaasahang aaprubahan na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala matapos ipasa ito sa Bicameral Conference Committee ng Kongreso. Pagkatapos nito, lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang panukalang Universal Health Act. Ayon kay House assistance majority leader Bernadette Herrera-Dy, hindi na kakabahan ang mga mahihirap na…
Read MoreBAHO NG MISLATEL NABUNYAG
(Ni NOEL ABUEL) Hindi magdadalawang-isip ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bawiin ang desisyon nitong gawing ikatlong player sa industriya ng telecommunication ang Mislatel Corporation kung mapapatunayang totoo ang mga ‘bahong’ nabunyag laban dito. Ipinangako ito ni DICT acting Secretary Eliseo Rio sa pagdinig na isinagawa sa Senado hinggil sa pagkakapanalo ng Mislatel sa isinagawang bidding process ng DICT. Ang Mislatel ay pag-aari 60% pag-aari ng Filipino billionaire Dennis Uy at 40% ng kumpanyang pag-aari ng People’s Republic of China. Nanalo ang Mislatel Corporation, sapagkat napatunayan ng…
Read MoreJAKE ZYRUS AND NON-SHOWBIZ GF, ENGAGED NA!
(By JONATHAN ANG) Sa isang episode ng “I Know Right?!” (isang digital entertainment talk show ng Kapamilya Network), kinumpirma ni Jake Zyrus na engaged na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Shyre Aquino. Matatandaan na noong August 2017, unang lumitaw ang pangalang Shyre Aquino nang ipinakilala ni Jake (the former Charice Pempengco) sa kanyang Instagram account ang bagong ladylove niyang ito. Sa nabanggit na digital talk show (ng iWant, formerly known as iWant TV, owned and operated by ABS-CBN) na umere noong November 23, the 26-year-old singer was caught…
Read More