MATANDANG LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA PABRIKA

(Ni CHE ALMADIN) Isang matandang lalaking machine operator ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanilang pinagtatrabahuhang pabrika sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya ay ganap umanong alas 6:30 ng umaga nang matagpuan sa kanyang puwesto ng kasamahan sa trabaho na si Alfie Badiana ang wala nang buhay na si Reynaldo Demery, 60 anyos, may-asawa, lead mechanist ng Dynamic Development Trade and General Services, Inc. (DDTGS) na matatagpuan sa Rivera Street, Barangay 160 ng nasabing lungsod at residente ng Tebang West, Sta. Barbara, Pangasinan. Nakahiga…

Read More

BAGETS KRITIKAL SA GULPI AT SAKSAK NG MGA BINATILYO

(Ni CHE ALMADIN) Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang 13 anyos na binatilyo matapos na pagtulungang gulpihin at saksakin ng kapwa mga menor de edad sa Lungsod ng Navotas kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Navotas City Police ay ganap umanong alas – 11:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Magat Salamat Street, Barangay Daanghari ng nasabing lungsod. Kasalukuyan umanong naglalakad  mag-isa ang biktimang itinago sa pangalang Frodo, grade 7 at resi-dente ng Barangay Daanghari ng parehong lungsod nang bigla na lamang na palibutan ng apat…

Read More

HONASAN BAGONG DICT SEC

(Ni LILIBETH JULIAN) Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Gregorio Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communicatons Technology (DICT). Kahapon ng umaga nang ilabas na ng Malacanang ang nomination paper ni Honasan para sa posisyon matapos lagdaan ng Pangulo noong November 20 ang nomination nito,  pero kinakailangan muna itong aprubahan ng Commission on Appointment (CA) dahil nasa end session pa ngayon ang Kongreso. Makauupo lamang si Honasan sa puwesto bilang kalihim ng DICT kapag natapos na itong makumpirma ng CA. Itinalaga sa DICT si…

Read More

KASUNDUAN NG PILIPINAS AT CHINA ISASAPUBLIKO

(Ni LILIBETH JULIAN) Ipinangako ng Malacanang na ipaaalam sa publiko ang lahat ng detalye ng mga sinelyuhan o nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at bansang China sa dalawang araw na pagbisita ni Chinese President Xi Jinping. Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, responsibilidad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangangasiwa sa lahat ng dokumento hinggil sa pagbisita sa bansa ni Xi. Ayon kay Panelo, kapag nakumpleto na ang mga dokumento ay agad itong ilalabas sa mga mamamahayag para maiparating sa mamamayan ang mga detalye ng mga napagkasunduan.…

Read More

ANDANAR BLANGKO SA MAGIGING PRESS SECRETARY

(Ni LILIBETH JULIAN) Inihayag kahapon ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na blangko pa sila kung sino ang magiging press secretary. Ayon kay Andanar, sa ngayon ay nirerebisa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng executive order na lilikha ng Office of the Press Secretary. Sinabi ni Andanar na dumaan na sa opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang naturang EO at sakaling malagdaan na ito ay malulusaw na ang PCOO at papalitan ng Office of the Press Secretary. Gayunman, mariing pinabulaanan ni Andanar na si…

Read More

PAGLABAG SA HERALDIC CODE IPINAUUBAYA SA PROTOCOL OFFICER

(Ni LILIBETH JULIAN) Dumistansya ang Malacanang sa isyu ng umano’y paglabag sa Heraldic Code ng Pilipinas sa flag positioning nitong nagdaang two-day state visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, na ang protocol officer ang bahalang magpaliwanag nito. Sinabi ni Panelo na nakipag ugnayan na sya kay Ginoong Robert Borge, na syang tumatayong protocol officer ng Malacanang, kung saan sinabi nitong maglalabas na lamang sila ng pahayag hinggil dito. Nabatid na pinuna ng netizens ang hindi tamang…

Read More

HUDCC SEC GEN SINIBAK

(Ni LILIBETH JULIAN) Bunsod ng mga tinatanggap na reklamo ukol sa katiwalian, sinibak na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary-General Falconi Millar. Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagsibak na “effective immediately”. “There are no sacred cows in the Administration, lalo na sa kampanya kontra corruption. As the President said, he will not tolerate even a whiff of corruption in the Executive Branch of Government”, ayon kay Panelo. Sa nasabing pagsibak, siniguro ng Malacanang na hindi ito makaaapekto sa pagbibigay…

Read More

PH PWEDE PANG UMATRAS SA JOINT OIL, GAS AGREEMENT

(Ni LILIBETH JULIAN) May pagkakataon pang umatras ang Pilipinas sa nilagdaang memorandum of understanding ng China at Pilipinas ukol sa “joint oil and gas exploration agreement” sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang tiniyak ng Malacanang sa dahil hindi pa “legally binding” ang nilagdaang memorandum of understanding ng China at Pilipinas ukol sa isyu. Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa hindi pa legally binding ang MOU, maari pang umatras ang Pilipinas kapag naging dehado sa hatian ang bansa sa mga makukuhang langis sa lugar. Sinabi ni Pabelo na…

Read More

CONGRESSMEN GUSTO NA RING MAGKASAL

(Ni BERNARD TAGUINOD) Kung magiging batas ang isang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, maaari na ring magkasal ang mga kongresista at governor ng kanilang mga constituent sa kani-kanilang distrito. Ito ay matapos simulan ng House Committee on Revision of Laws na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas ang House Bill 5699 na mag-aamyenda sa Family code. Layon ng nasabing panukala na inakda ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na magkaroon na rin ng kapangyarihan ang mga kongresista na magkasal. Sa kasalukuyan, tanging ang mga incumbent mayor, mga…

Read More