PALASYO SA PUBLIKO: PANG-UNAWA SA ‘DI AGAD PAGSASAPUBLIKO NG MOU

(Ni LILIBETH JULIAN) Malawak na pang-unawa mula sa publiko ang hiling ng Malacanang sakaling hindi pa mailabas ang kabuuan ng nilalaman ng pinirmahang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng joint coopera-tion for development of marine gas and oil sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea. Sa inilabas na statement, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, nais itong busisiin ng Senado lalo na ang grupo ng oposisyon at handa naman itong ipaliwanag ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno partikular ng Department of Energy (DoE) na kanyang…

Read More

ROTC DAPAT BUHAYIN- DUTERTE

(Ni LILIBETH JULIAN) Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa mga kabataan. Sa kanyang pagharap sa Army Reserve Command sa Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na walang mangyayari sa bansa kung walang reserbang puwersa ang gobyerno na maaring hugutin kung kinalailangan. Dahil inalis ang ROTC bilang requirement sa mga estudyante, wala nang mga kabataang Pinoy na marunong humawak ng baril at kayang ipagtanggol ang bayan. Sa talumpati sa 35th Founding Anniversary ng Army Reserve Command, ipinaliwanag ng Pangulo na…

Read More

KAGAWAD SUGATAN SA AMBUSH

CAGAYAN DE ORO CITY –Isang barangay kagawad ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan makaraan barilin ng hindi kilalang mga suspek sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Jonathan Borja ang kaniyang Mitsubishi Montero nang barilin ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo, habang binabaybay ang intersection ng 6th at 18th Street sa Brgy. Nazareth. Nadaplisan sa noo ang kagawad sa nasabing pamamaril. Makaraan ang insidente, nakapag-drive ang biktima patungong ospital para malapatan ng lunas. Ayon kay Senior Insp. Mario…

Read More

GRAB UMIIWAS SA RESPONSIBILIDAD?

(Ni BERNARD TAGUINOD) Muling kinastigo ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ang Grab Philippines dahil sa pag-iwas umano nito sa kanilang responsibilidad hinggil sa isang estudyante na pasahero ng isa sa kanilang driver na nasangkot sa aksidente. Ayon kay Nograles, sa kabila ng bilyong-bilyong kinikita ng Grab Philippines sa kanilang operasyon ay ayaw umano nitong sagutin ang buong medical expenses ng biktimang si Marko de Guzman, estudyante ng University of Sto. To-mas (UST). Nabatid na sakay ng Grab si De Guzman nang maaksidente ang sinakyan nito dahil inaantok sa pagod…

Read More

SEN. KIKO PANGILINAN GINAGAMIT SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING

Kinakaladkad ang pangalan ni Sen. Kiko Pangilinan sa pagkakaaresto sa 93 Chinese nationals at 11 Pinoy sa operasyong isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa ilegal na online gambling sa Pasig City kahapon. Batay sa impormasyong nakalap ng Newsbreak Insight Team (NIT), may opisyal na nagpapakilalang kamag-anak ni Sen. Pangilinan ang gumagamit ng pangalan nito kaugnay sa kaso. Matatandaan na sinalakay ng mga operatiba ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng NCRPO, Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-SWAT, Anti-Cyber Crime Group (ACG), NHQ, Camp Crame sa pakikipagtulungan ng…

Read More

TARA, IPINATITIGIL NI BARTE SA ZAMBOANGA

Iniutos ni Sigmundfreud Z. Barte, District Collector ng Zamboanga Port ang agarang pagpapahinto sa ‘tara’ upang sugpuin ang smuggling at hikayatin ang mga mangangalakal na magbayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan. Ang pagkilos ay alinsunod na rin sa direktiba ni Bureau of Customs Commissioner Rey Guerrero na burahin ang imahe ng pantalan bilang ‘backdoor smuggling gateway’ ng bansa. Batay sa ulat, si Barte ay itinalaga noong Oktubre 16 ngayong taon sa naturang pantalan. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang malawakang pakikipag-ugnayan ni Barte sa mga ahensiya ng gobyerno ay nagresulta sa pagpapatupad…

Read More

RAYVER CRUZ, WALANG KAALAM-ALAM NA MAY TERMINAL ILLNESS PALA ANG PINSANG SI TEEJAY

By ROMMEL GONZALES Kagulat-gulat pero totoo: Walang kaalam-alam si Rayver Cruz na may sakit na cancer ang pinsan niyang si Teejay Cruz! At tulad nga ng naibalita the other day, pumanaw na ang 37-anyos na si Teejay kamakalawa, November 21 ng umaga dahil sa sakit na lymphatic cancer. Si Teejay ay panganay sa tatlong anak ng aktor na si Tirso Cruz at asawa nitong si Lyn Ynchausti. At sa panayam namin kay Rayver the same day na namatay ang pinsan niya, inihayag nito ang kanyang saloobin. “Siyempre nalungkot at nagulat…

Read More

LOCSIN SA PAGSASAPUBLIKO NG MOU: IPAALAM MUNA SA CHINA; MGA MAMBABATAS DISMAYADO

 (Ni BERNARD TAGUINOD) “Nakakapangliit at nakakahiya”. Ganito inilarawan ng mga militanteng mambabatas ang pahayag umano ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na magpapaalam muna umano ang mga ito sa China bago isapubliko ang nilalaman ng Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea. Sa press conference, hindi naitago ni ACT party-list Rep. France Castro ang kaniyang pagkadismaya sa gobyerno dahil hindi umano makatarungan sa sambayanang Filipino na tayo pa ang sunud-sunuran sa China gayung tayo umano ang may-ari sa…

Read More

FIRST ROUND SWEEP NG PETRON

Dinispatsa ng Petron, sa pangunguna ni Ces Molina, nagpakawala ng 26 points, ang Foton, 25-14, 25-27, 25-14, 25-12 upang kumpletuhin ang first-round sweep ng Philippine Superliga All-Filipino Conference, Huwebes ng gabi sa The Arena sa San Juan City. Nagpamalas si Molina ng halos all-around performance na 19 kills, five service aces at two blocks, at pahabain pa ng Blaze Spikers sa pito ang kanilang winning run para sa susunod na round. Nakakuha pa ng suporta si Molina mula sa mga kakamping si Bernadeth Pons, may 13 hits, 11 points mula…

Read More