PINANGUNAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert de Leon ang inspeksyon sa mga modernong pasilidad at kagamitan ng University of the Philippines Manila nitong Biyernes, Oktubre 9, 2026.
Kasama ni de Leon si UP Manila Chancellor Dr. Michael Tee sa pag-iikot sa mga pasilidad na sumasalamin sa mga pamumuhunan sa modernong kagamitan at lugar ng pag-aaral.
Layunin ng mga pamumuhunang ito na suportahan ang libre at de-kalidad na mataas na edukasyon at palakasin ang praktikal na pagsasanay ng mga mag-aaral na magiging propesyonal sa larangan ng kalusugan.
(DANNY BACOLOD)
114 