SINIGURO ng National Housing Authority (NHA) na siyang pangunahing ahensiyang nangangasiwa sa Balik Probinsiya Bagong Pag-asa program, na hindi sila magpapauwi ng mga indibidwal kung walang kapasidad ang lokal na pamahalaan para sa testing at quarantine. Pahayag ito ni NHA gen. manager at Balik Probinsiya Bagong Pag-asa executive director Marcelino Escalada makaraang magpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa unang batch ng mga pinauwi sa visayas region nitong nakalipas na Mayo a bente. Ani Escalada, dalawang bagay lamang naman talaga ang kalalabasan ng test, ito ay ang pagiging negatibo o positibo.…
Read MoreAuthor: admin
SAPAT NA ELEKTRISIDAD SA E-LEARNING, PINATITIYAK NG SENADOR
HINILING ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na tiyakin na may sapat at tuloy-tuloy na serbisyo ng elektrisidad sa bawat tahanan na magagamit ng bawat estudyante sa alternative learning modalities habang naghahanda ang mga paaralan sa “new normal” na sistema ng edukasyon. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na bukod sa online learning, lilipat din sa blended learning na hindi kailangan ng estudyante na magkaroon ng internet connectivity o magkaroon ng sariling gadgets upang ma-access ang educational content. Kaya isinusulong ng senador na gamitin ang telebisyon at…
Read MoreWALANG BAGO SA ANTI-TERROR BILL BADILLA NGAYON
ANG totoo, noong Pebrero ng kasalukuyang taon pa ipinasa ng Senado ang panukalang batas kontra – terorismo. Ito ang Senate Bill No. 1083 na ang layunin ay amyendahan ang Republic Act No. 9372 o Home Security Act of 2007. Mayroon din naman sariling bersiyon ang Kamara de Representantes na House Bill No. 6875. Matapos ipasa ng Senado sa botong 19 – 2 ang S.B. 1083, hindi naging paksa sa media at sa pampublikong opinyon ang nasabing panukalang batas. Nang lumabas sa media ang laman ng panukalang Anti-Terror Bill, mabilis na…
Read MoreANTI-TERROR BILl, BAKIT KINATATAKUTAN?
PINAKAKONTROBERSYAL na sa lahat ng panukalang batas na ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Anti-Terror Bill dahil halos lahat na ng sektor ang natatakot dito. Unang ipinasa ang panukala sa Senado noong Pebrero 2020 pero hindi napagtuunan ng pansin ng publiko dahil sa panahong iyon ay nagsimula nang manalasa ang coronavirus disease 2019 sa ating bansa at sa ibang panig ng mundo. Ngayon lamang napansin ito ng mga tao dahil in-adopt na lamang ng Senado ang buong-buong bersyon ng Senado dahil wala nang panahon ang mga kongresista, marahil na…
Read More‘AGIMAT’ NI DUQUE KAY PDU30 KINUWESTYON NG SENADOR
NAGTAKA si Senador Panfilo Lacson kung anong agimat ang ginagamit ni Health Secretary Francisco Duque kung bakit hindi ito masibak ni Pangulong Duterte sa Department of Health (DOH) sa kabila ng sunod-sunod na kapalpakan. Sa pahayag, sinabi ni Lacson, hindi mabilang sa daliri sa kamay ang kapalpakan ng kalihim at pinakahuli ang kabiguan nitong bayaran ng tig-P1 milyon ang 32 health workers na namatay at ilang nagkasakit sa corona virus 2019 disease (COVID-19). “Many of us are starting to wonder what “amulet” DOH Secretary Francisco Duque III has to deserve…
Read MoreSASAKYAN NG MANGGAGAWA ‘WAG IASA SA MGA NEGOSYANTE
HINDI patas kung aatasan ang pribadong negosyante na umaahon pa lamang mula sa pandemya na magtalaga ng shuttle service para sa kani-kanilang mga empleyado. Ito ang dahilan kaya nanawagan si Senador Ramon Revilla Jr. sa Inter-Agency Task Force (IATF) na agad repasuhin ang public transport policy dahil sa kakulangan ng ligtas na pampublikong sasakyan na maaaring magresulta sa pagkalat ng COVID-19 sa halip na ito ay mapigilan. Ayon sa senador, dahil ang buong bansa ay lumipat na sa General Community Quarantine (GCQ) noong nakaraang Lunes (Hunyo 1), nahaharap sa mabigat…
Read MorePINAS HINDI PA HANDA SA BLENDED LEARNING
HINDI naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na handa na ang bansa na mag-shift sa blended learning o combined methods para turuan ang mga estudyante sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay makaraang sabihin ng Department of Education (DepEd) na handa na sila sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24 na mamarkahan ng online schooling at take home modules lalo pa’t ang face-to-face classes ay hindi papayagan habang nakabinbin ang bakuna laban sa COVID-19. Ang DepEd ay nagsasagawa na…
Read MoreAyala, Pangilinan ‘di pwedeng lumamang PDU30: WATER DEAL DAPAT PATAS
REREBISAHIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong concession agreements sa water companies na Maynilad at Manila Water upang masigurong patas ito. Sa public address ni Pangulong Duterte, binigyang-diin nito na ang bagong kontrata ay kailangang patas. Kailangan din aniyang ibalik ng mga water company ang perang kinuha ng mga ito mula sa kanilang consumers sa ilalim ng kasalukuyang concession deals. “I think starting tomorrow the papers are here. I will review the contracts that are proposed by the government panel to the Ayala and Pangilinan consortium,” ayon sa Pangulo.…
Read More‘Special power’ ni PDuterte sa Bayanihan Act, Tapos na pero… KULANG PA ANG P353-B?
UMABOT sa P353 bilyon ang kabuuang perang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) upang ipamahagi sa 23 milyong pinakamahihirap na pamilyang Filipino, mga manggagawa sa maliliit na negosyo at mga overseas Filipino worker (OFW) at perang pambili ng mga kagamitang gagamitin laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Eksaktong P78 bilyon ang sobra nito sa P275 bilyong itinakda at ipinag-utos ng Bayanihan to Heal as One Act na kailangang ilabas ng administrasyong Duterte para sa ayudang pinansiyal sa mga pinakamahirap na pamilyang Filipino, manggagawa at OFWs. Kahapon (Hunyo 5)…
Read More