PINALAKAS ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang clearing operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang paghahanda sa nalalapit na ASEAN Summit 2026.
Pinangunahan ng Task Force Against Road Obstruction ang operasyon sa pamamagitan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), katuwang ang Department of Environment and Public Services, Department of Engineering and Public Works at MPD SMART.
Kabilang sa mga inalis ang mga abandonadong sasakyan, ilegal na paradahan at iba pang sagabal sa mga pampublikong lansangan.
Partikular na tinututukan ang mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad kaugnay ng summit.
Layunin ng operasyon na matiyak ang maluwag at ligtas na mga kalsada, maayos na daloy ng trapiko at kahandaan ng lungsod sa pagdaraos ng ASEAN Summit 2026.
(JOCELYN DOMENDEN)
33 