MPTC NAGKALOOB NG SCHOLARSHIP SA 14 UNIBERSIDAD

NASA 70 college students mula sa 14 mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ang inaasahang makikinabang sa scholarship program ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ngayong taon. Ayon sa MPTC, isang memorandum of agreement ang nilagdaan kamakailan ng nasa 14 kolehiyo at unibersidad sa bansa. Kabilang dito ay ang Bulacan State University (BulSU), Cavite State University System, Mindanao State University, University of the Philippines – Diliman, Far Eastern University, Miriam College, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Don Honorio Ventura State University, Polytechnic University of the Philippines – Parañaque, Technological…

Read More

QC PRIDE PH FESTIVAL PINAKAMALAKI SA ASYA

ITINURING na isang record-breaking crowd na umabot ng 110,752 LGBTQIA+ members at allies, ang nakiisa sa Pride PH Festival na isinagawa sa Quezon Memorial Circle (QMC) kamakalawa. Ang day-long Lovelaban Festival, na bahagi ng month-long celebration ng Pride Month sa lungsod, ay apat na beses mas malaki sa nakaraang taon na may 25,000 participants. Ngayong taon, ang festival figures ay hinango mula sa foot traffic data na ibinigay ng QMC administration, base sa bilang ng lahat ng entrance gates ng QMC. Ayon kay Mayor Joy Belmonte, equality champion at vocal…

Read More

LALAKI TIKLO SA NBI SA SEXTORTION

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki sa ikinasang entrapment operation dahil sa reklamong sextortion, sa isang fastfood restaurant sa Marikina City noong Linggo. Kinilala ni NBI Chief Medardo De Lemos ang suspek na si Braulio Dominguez Jr., nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293 (Robbery/Extortion) ng Revised Penal Code, Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004), Republic Act 10175 (Cybercrime Law), at RA 9995 (Anti-Voyeurism Law). Base sa inihaing reklamo ng hindi na pinangalanang babae, nagkaroon umano sila…

Read More

PAGTULONG NG BOC-POS SA AETA COMMUNITY PATULOY

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic sa kanilang 30th anniversary celebration, pinagtibay nila ang kanilang pangako sa community engagement and social responsibility sa pamamagitan ng active involvement sa Pastolan Aeta community sa Subic Bay. Ang Port of Subic team, kasama si District Collector Carmelita M. Talusan, CESO V, ay may matibay na adbokasiya para sa ‘community development’ kaya pinangunahan ang nasabing inisyatibo, bilang pakikiisa at suporta sa ‘personnel at stakeholders’. Bilang pagkilala sa kahalagahan ng pag-uugnay kasama ang komunidad, at tugunan ang kanilang…

Read More

BOC-POC, CEBU PROVINCIAL GOV’T PARTNERSHIP VS SMUGGLING PINALAKAS

BOC-PORT OF CEBU

NAKIPAGKITA si Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu Acting District Collector Ciriaco DG Ugay kay Cebu Provincial Governor Gwendolyn F. Garcia noong nakaraang Huwebes, Hunyo 22, 2023 para alamin at tugunan ang kani-kanilang mga alalahanin bilang bahagi ng pagpapalakas sa pagitan ng Port of Cebu at Cebu Provincial Government. Sa nasabing pagpupulong, napag-usapan ng dalawang opisyal ang mga bagay-bagay na nakasentro sa mandato ng BOC sa mabisang pagpapadali ng kalakalan, pinahusay na reve­nue collection at ang pagpapalakas ng border protection sa pamamagitan ng port’s collaborative role in the One…

Read More

FORWARD NEGOSYO NI CONG. FIDEL NOGRALES UMARANGKADA

BUKOD sa pagkakaloob ng pangkabuhayan ni Cong. Fidel Nograles sa mga residente ng ika-4 distrito ng Rizal (Montalban), ay sumabak din siya sa pagluluto ng hotdog sa isang food cart na kanyang ipinamimigay. UMARANGKADA na ang first batch ng programang pangkabuhayan (Forward Negosyo) ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles para sa kanyang constituents sa Montalban sa nasabing lalawigan kamakailan. Katuwang ni Cong. Nograles ang Department of Labor and Employment (DOLE) na namahagi ng food carts na may kasamang sari-saring kasangkapan, rekados, at kagamitang panluto tulad ng kawali, kalan, sandok,…

Read More

2 PATAY SA KAMBAL NA AKSIDENTE SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang menor de edad na babae at isang motorcycle rider, habang kritikal ang dalawa katao sa magkasunod na vehicular accident sa Maharlika Highway sa bayan ng Atimonan, Linggo ng hapon. Sa unang aksidente, namatay ang 16-anyos na si Coleen Lagdameo, matapos na ito at ang dalawa pa nitong kaanak na sina Dolce Lagdameo, 41, at Joel Bituin, 27, ay araruhin ng wing van truck na minamaneho ng 38-anyos na si Eric Timbal na patungo sa direksyon ng Maynila, habang nakatayo sa gilid ng highway sa Barangay…

Read More

PRANGKISA NG CEBPAC PINATUTULUYAN

INIHAIN sa Kamara ang resolusyon para suspendihin ang prangkisa ng Cebu Pacific bilang parusa sa kanilang teribleng serbisyo na dahilan ng pagdurusa ng mga pasahero. Isinusulat ito ay wala pang numero ang resolusyong inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na humihiling sa House committee on legislative franchise na suspendihin ang prangkisa ng nasabing airline company. “Passengers of Cebu Pacific experience flight delays and cancellations, and to make matters worse, their customer service is also unreliable with passengers complaining that Cebu Pacific does provide immediate assistance or support…

Read More

MPD CHIEF DIZON NAGPASALAMAT SA MANILENYO SA MAPAYAPANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG MAYNILA

BUONG puso ang pasasalamat ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa mga Manilenyo sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-452 Araw ng Maynila noong Sabado, Hunyo 24. Ibinida ni “The Game Changer General” Dizon na walang anomang kaguluhan o krimen sa lungsod. Nabawasan din aniya ang holdapan at patayan base sa reports mula sa 14 stations. Sa tulong na rin ito ng kanyang mga tauhan at station commanders na walang sawang nagpapatrolya at nagpapairal ng programang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations SACLEO at “Oplan Galugad” sa…

Read More