2 TIKLO SA PAMEMEKE NG DOKUMENTO

BINITBIT ng mga operatiba ng District Investigation Division 2 ng Special Mayor’ Reaction Team (SMaRT) ang dalawang indibidwal kabilang ang isang babae, sa ikinasang entrapment operation sa kasong pamemeke ng mga dokumento sa isang bahay sa Antonio Rivera Street, Tondo, Manila Kinilala ang dalawang suspek na sina Ralph Lawrence Doblada, 21, at Liza Lopez, 46, kapwa ng Tondo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID2- SMaRT, bandang alas-4:00 ng hapon noong Huwebes nang salakayin ang bahay ni Lopez dahil sa “tip” mula sa isang asset, makaraan…

Read More

MWP SA ROBBERY WITH HOMICIDE NABITAG

BAGSAK sa selda ng Manila Police District – Moriones Police Station 2 ang isang most wanted person sa kasong robbery with homicide makaraang madakip sa bisa ng warrant of arrest sa Elcano Street, Barangay 1, Zone 1, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Dahil sa “tip” ng isang impormante, nasukol at hindi na nakapanlaban sa mga operatiba nang posasan ang suspek na kinilalang si Jomarie Salonga, itinuturing na number 1 most wanted ng station level. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay, commander ng MPD Station 2, bandang…

Read More

VOLCANIC ROCKS NAGLUTANGAN SA TAAL LAKE

(Photo courtesy: TBST Batangas) NABAHALA ang mga residente ng Barangay Boot at Barangay Wawa sa Tanauan city, Batangas nang makita ang mga naglutangang bato sa Taal Lake nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa barangay officials ng Barangay Boot, nag-amoy asupre ang paligid matapos biglang lumitaw ang mga bato dakong alas-10 ng umaga. Agad naman itong inusyoso ng mga residente na ang iba ay nakaramdam ng takot. Pero paliwanag ni Engr. Ronald Pigtain, OIC, Phivolcs-Taal Volcano Observatory, base sa pagsusuri ng mga geologist, ang mga lumutang na bato ay mga scoria…

Read More

KOREAN RESTAURANT NILOOBAN NG 2 KALALAKIHAN

CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang dalawang kalalakihan makaraang looban ang isang Korean barbecue restaurant at tinangay ang cash at gadgets sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pumasok sa Wagyuniku Sangyup, sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Armando Perez ng Bacoor City Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang matuklsan ni Michelle Anne Ann Marinas Gonzales ang nawawalang cellphone (P10,000), isang tablet, isang laptop at P28,000 cash mula sa cash register, pagbukas nito sa nasabing…

Read More

ZERO CRIME RATE SA CAVITE IBINIDA

IBINIDA ng pamunuan ng Cavite Police na sa pangalawang pagkakataon ay nakasungkit ng zero crime rate ang lalawigan. Sinabi ni Police Lt. Col Jack E. Angog, Deputy Provincial Director for Operation sa isinagawang “Dialogue with Cavite Press Corp” sa Camp BGen. Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite, simula alas-6:00 ng umaga noong Martes hanggang alas-6:00 noong Miyerkoles ng umaga ay walang anomang naitalang krimen sa buong lalawigan sa Cavite. Pero paliwanag ni Angog, ito ay partikular lamang ang crime against property, at crime against person. “Natuwa rin ako kanina kasi simula…

Read More

PASLIT NALUNOD SA HUKAY NA MAY TUBIG

CAVITE – Hinihinalang nahulog at nalunod ang isang 4-anyos na lalaking paslit nang matagpuan ito mula sa isang hukay na may tubig sa isang covered court na under construction sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Larz Salem Celestino ng Trece Martires City, nagtungo umano ang biktima at isa pang menor de edad na kaibigan nito sa covered court sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City na under…

Read More

RETIRADONG PULIS NAGREKLAMO LABAN SA MGA NAGPAPAKILALANG TAUHAN NG MANILA NORTH CEMETERY

KINONDENA ng isang retiradong Police Captain ang dalawa umanong tauhan ng Manila North Cemetery dahil sa pakikialam sa mga caretaker sa bentahan ng lupa at iba pang transaksyon sa loob ng sementeryo sa Sta. Cruz, Manila. Ayon kay Retired Captain Raymundo Layug, 63, dating nakatalaga sa Manila District Traffic Management Unit (DTMU) at residente ng Tondo, Manila, ang kanyang tinutukoy ay sina Roberto o Obet at Mark Anthony, alyas Atoy, na hindi naman umano mga empleyado ng nasabing sementeryo. Miyerkoles ng hapon, nagtungo si Layug kasama ang iba pa sa…

Read More

PAGBIBIGAY PROTEKSYON SA MGA TATAKBO SA BARANGAY ELECTION PINAGHAHANDAAN NG PNP

pnp

HABANG papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election ay pinaghahandaan ng Philippine National Police ang posibilidad na pagdagsa ng hihingi ng dagdag na proteksyon sa hanay ng mga aspirante. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group (PSPG) Director Police BGen. Antonio Yarra, nakahanda naman ang kanilang tanggapan na magkaloob ng security protection sa mga kandidato. Subalit nilinaw ni Yarra na kailangan makapasa sila sa mga kaukulang requirement partikular sa threat assessment ng kanilang tanggapan sa mga humihiling ng dagdag na proteksyon. Sinasabing ang pagtatalaga ng security…

Read More

Entries tinatawagan na QC GREEN AWARDS OPISYAL NANG BINUKSAN

NANAWAGAN ang Quezon City Government sa barangays, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at businesses na ipakita ang kanilang pinakamahusay na kasanayan sa disaster resiliency and sustainability na kikilalanin bilang kauna-unahang Quezon City Green Awards. Matatandaan noong nakaraang Mayo, ang Quezon City Green Awards ay kinilala at binigyan ng insentibo ang mga grupo at organisasyon sa pagpapatupad ng natatangi at enklusibong mga programa sa Disaster Risk Reduction and Management and Climate Action. “Initiatives and solutions to the adverse effects of climate change and disasters should be people-centered and truly responsive to the…

Read More