MWP SA ROBBERY WITH HOMICIDE NABITAG

BAGSAK sa selda ng Manila Police District – Moriones Police Station 2 ang isang most wanted person sa kasong robbery with homicide makaraang madakip sa bisa ng warrant of arrest sa Elcano Street, Barangay 1, Zone 1, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon.

Dahil sa “tip” ng isang impormante, nasukol at hindi na nakapanlaban sa mga operatiba nang posasan ang suspek na kinilalang si Jomarie Salonga, itinuturing na number 1 most wanted ng station level.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay, commander ng MPD Station 2, bandang alas-1:35 ng hapon nang mamataan ang suspek sa nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Roberto Dato, hepe ng Intelligence and Warrant Section ng Station 2, kasama ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Willie Fabros, commander ng MPD Station 1, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Paz Rivera Reyes Yson, ng Regional Trial Court Branch 54 ng Manila, na may petsang Abril 18, 2022, sa kasong robbery with homicide.

(RENE CRISOSTOMO)

151

Related posts

Leave a Comment