DU30 BIBISITA SA BATANES

duterte500

(NI CHRISTIAN DALE) NAKATAKDANG bisitahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Batanes matapos ang lindol sa naturang lalawigan. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kaagad na ipinag-utos ng Chief Executive ang mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga nabiktima ng pagyanig. “Our PAF [Philippine Air Force] C295 already took off for Batanes at 9:18 a.m. bringing medical and rescue teams. We are planning for next sortie in coordination with Region 2 OCD (Office of Civil Defense),” ayon kay ES Medialdea. Sinasabing pasado alas-4:00 ng umaga kahapon nang yanigin ng…

Read More

IMPORTED RICE BAWAL SA PANAHON NG ANIHAN – DU30

rice1

(NI BETH JULIAN) TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang aangkating bigas sa panahon ng anihan. Ayon sa Pangulo, kailangan munang ubusin ang stocks ng bigas ng mga lokal na magsasaka bago pag-isipan kung kailangan mag-angkat. Bukod dito, sinabi ng Pangulo na kahit mahal ang presyo ng bigas sa mga lokal na magsasaka ay handa pa rin itong bilhin ng pamahalaan kaysa bumili sa labas ng bansa. Iginiit ng Pangulo na ayaw niyang sumama ang loob ng mga lokal na magsasaka kaya kahit magpakalugi na ang pamahalaan ay kapakanan pa rin…

Read More

BALASAHAN SA DEPED SUPORTADO

deped65

(NI MAC CABREROS) SUPORTADO ng National Employees Union ng Department of Education (DepEd-NEU) ang plano ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na balasahin ang Schools Division Superintendent (SDS), Assistant Regional Director (ARD), Regional Director (RD) at iba pang third level positions dito. Ayon Atty. Domingo Alidon, pangulo ng DepEd-NEU, dapat kada tatlo o limang taon ay binabalasa ang mga opisyal upang maiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan at korapsyon. “There’s a saying that: too much familiarity in the office might result to corruption,” pahayag Alidon. Hinihikayat din ng grupo si Briones na…

Read More

SENADO ‘DI ISUSUKO ANG ENDO

endor1234

(NI NOEL ABUEL) UPANG hindi masayang ang pera at oras sa inihahaing panukalang batas ng mga mambabatas ay dapat na sumulat ang Ehekutibo kung ano ang nais nitong maging batas. Ito ang panawagan ni Senate Pro- Tempore Ralph Recto kasunod ng pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Endo Bill na ipinasa ng Kongreso. “But this time, the Executive Branch should write its own version and send it to Congress with an attached presidential certification as to its urgency,” sabi ni Recto. Mas makakabuti aniya na magpatawag ang Malacanang  ng tripartite…

Read More

LEAD ACTRESS SA AGA MUHLACH MOVIE: NADINE OUT, BELA IN

bela99

(NI JERRY OLEA) IPINALIT ng Viva Films si Bela Padilla kay Nadine Lustre sa cast ng MMFF 2019 official entry na Miracle in Cell No. 7, na pagbibidahan ni Aga Muhlach. Ayon sa liham na ipinadala ng Viva sa MMFF 2019 ExeComm, umatras si Nadine sa proyekto “due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.” Hanggang July 30 ay pwedeng sumulat ang producers ng napiling first four official entries ng MMFF 2019 sakaling…

Read More

LOTTO OUTLETS SINIMULAN NANG ISARA

lotto44

(NI MAC CABREROS) BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinuyod ng Eastern Police Districtang mga lotto outlets sa Lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong City at San Juan  (PaMaMariSan), ngayong Sabado ng umaga. Pinamunuan mismo ni EPD director, BGen. Nolasco Bathan, kasama si San Juan City  Police chief, Col. Ariel R. Fulo sa pagsasara sa mga lotto outlets sa 79 F. Blumentritt St., 107, N. Domingo St., Brgy. Pedro Cruz; 02 G.B Santos St., Brgy Rivera; 19-A N. Domingo St., Brgy Progreso; 146 Aurora Blvd, Brgy Balong Bato; Aurora Blvd. Brgy…

Read More

FLAVIER MAGIC GAMITIN VS DENGUE OUTBREAK

flavier1

(NI NOEL ABUEL) SA mga panahong nakararanas ng kalamidad ang bansa ay kailangan kumilos ang pamahalaan para gumawa ng solusyon. Inihalimbawa ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, ang ginawa ni  dating  Health  secretary at dating senador Juan Flavier na gumawa ng agarang solusyon laban sa maruming mga lugar. “Never underestimate the power of using milestones as a social mobilization tool,” aniya. Ginawa aniya ni Flavier sa programang ipinatupad noong kalihim ng DOH na hindi umasa sa social media para gumawa at kumilos. “Flavier, who was Health secretary from 1992 to 1995,…

Read More

WALANG BANTA NG TSUNAMI SA BATANES QUAKE — PHIVOLCS

batanes44

WALA umanong dapat ikabahala sa tsunami matapos yanigin ng 6.4 magnitude na lindol ang Batanes, Sabado ng madaling araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga gumuhong bahay at establisimyento, kabilang ang makasaysayang Itbayat Church na Nuestra Senora del Rosario na itinayo noong 1850s. Apat katao na ang iniulat na namatay kabilang ang isang bata na nadaganan nang gumuho ang kanilang lumang bahay. Nasa 19 iba pa ang iniulat na nasaktan. Nasa kahimbingan pa ng tulong ang residente…

Read More

BATANES NIYANIG MULI NG 6.4 LINDOL

earthquake12

TATLONG oras makalipas yanigin ang Batanes, nagkaroon muli ng 6.4 magnitude quake ang Itbayat, Batanes bandang alas-7:38 ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Nakasentro ang lindol sa 19 kilometers northwest ng Itbayat. Wala pang iniulat na namatay o napinsala sa bagong lindol na may lalim na 43 kilometro subalit sa naunang pagyanig ay apat katao na ang sinasabing namatay habang 19 ang sugatan Sa kasalukuyan ay nagtutulung-tulong na ang mga volunteers sa lugar upang hanapin at hukayin ang mga gumuho sa posibleng makasalba pa ng…

Read More