PAGBASA NG SENTENSIYA SA AMPATUAN MASSACRE GAWING LIVE – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang apela sa Korte Suprema na payagan ang live coverage ang promulgation o pagbasa ng sentensya sa mga suspek sa Maguindanao massacre. Ayon sa dating mamamahayag na si ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, karapatan ng mamamayang Filipino, lalo na ang mga kaanak ng mga biktima ng karumal-dumal na krimeng ito na mapanood ang pagbaba ng sentensya sa mga pumatay sa kanilang mga mahal sa buhay. “Puwede namang bigyan na lang ng restrictions ang media coverage, tulad noong 2011 nang payagan ng…

Read More

K-12 WA EPEK; STUDENTS BAGSAK SA PISA

(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG sumama ang imahe ng K-12 program ng Department of Education sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) na isinagawa noong 2018 kung saan kulelat ang mga estudyante sa Pilipinas. Sa press conference nitong Huwebes sa Kamara, sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na kailangan na talagang rebyuhin o kaya tuluyang alisin ang K-12 program dahil imbes na umayos ang sistema ng edukasyon sa bansa ay mistulang lalong sumama pa umano ito. “Kung hindi akma ang K-12 na ito, bakit hindi irepeal,” ani Castro…

Read More

MANILA WATER KUMITA NG P6.5 BILLION NOONG 2017 – SOLON

manila12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI nalugi bagkus ay kumita pa ang Manila Water ng P6.5 bilyon noong 2017. Ito ang nabatid kay  Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga Jr., kaya nais nitong paimbestigahan ang concession agreement sa pagitan ng Manila Water at Maynilad sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Magugunita noong Nobyembre 29, ay nagbaba ng desisyon ang Singapore Arbitration Tribunal na nag-aatas sa MWSS na bayaran ng P7.4 Billion ang Manila Water dahil nalugi umano ang nasabing concessionaire nang hindi sila payagan na magtaas ng singil sa tubig noong 2015 hanggang…

Read More

HIT LIST NG NPA MINALIIT NG PNP

cpp npa12

(NI NICK ECHEVARRIA) MINALIIT lamang ng Philippine National Police (PNP) ang inilabas na “kill list” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kung saan target na patayin ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. Kabilang sa inilabas na listahan ng mga gustong likidahin ng mga rebeldeng NPA umano sina Department of Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano, Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations Major General Antonio Parlade Jr., National Commission on Indigenous Peoples Chairman Allen Capuyen, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., at limang dating communist leader na ngayon ay tumtutlong sa…

Read More

TANGKANG PANANABOTAHE SA SEAG IIMBESTIGAHAN

(NI BERNARD TAGUINOD) BUKAS ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang tangkang pananabotahe sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na  kasalukuyang iniho-host ng Pilipinas. Ito ang nabatid kay House committee on information and Communications Technology Committee chair Victor Yap, ng Tarlac, sa panayam ng mga mamamahayag  dahil sa hinala ni House Speaker at PHIGSOG chair Alan Peter Cayetano  na may sumasabotahe sa SEAG dahil sa mga pekeng impormasyon na naglabasan bago ang opening ceremony. “I’m open to it (na mag-imbestiga),” ani Yap na inaasahang sa kanyang komite babagsak ang imbestigasyon dahil idinaan sa…

Read More

PAARALANG MAHINA ANG KALIDAD NG EDUKASYON PINABUBUWAG

deped

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUNG si Senador Cynthia Villar ang tatanungin, mas nanaisin nitong buwagin ng Department of Education (DepEd) ang mga ‘underperforming’ na paaralan at bigyan naman ng reward ang mga eskwelahan na mataas ang kalidad ng edukasyon. “‘Yung magagaling na estudyante, ang school nila dapat may mga national exams tapos na-me-measure mo, and then yung magagaling na estudyante, bigyan natin ng reward,” saad ni Villar. “‘Yung mga maliliit (na schools) baka idisband natin yun,” dagdag pa ng senador. Ang pahayag ni Villar ay kasunod ng report na nangungulelat ang…

Read More

GAZINI’S ‘WATAWAT’ EARRINGS

(NI BEN BAÑARES) APAT na tulog na lang, Miss Universe na! Ipapasa na ni Catriona Gray ang korona sa kanyang successor sa December 9 (Philippine time). Maka-back-to-back wins kaya tayo? Ipapasa ba ni Catriona ang titulo kay Gazini Ganados, ang ating kandidata ngayon? We sure are crossing our fingers for that! Speaking of Gazini… Kung si Catriona ay merong ear cuff na “Three Stars and the Sun” na siya mismo ang nag-design, meron namang “watawat” earrings itong si Gazini. Sa isang Instagram post, Ipinakita ng Pinoy designer na si Kathryn…

Read More

100 PASAY SENIOR CITIZENS MAGTATRABAHO BILANG AIRPORT USHERS

airport55

(NI LYSSA VILLAROMAN) NASA 100 Pasay City senior citizens ang na-hire bilang ‘temporary airport ushers’ sa pamamagitan ng isang kasunduan ng  local government unit, Manila International Airport Authority (MIAA), Ang Probinsyano Partylist at Department of Labor and Employment (DoLE). Ayon kay Mayor Emi-Calixto-Rubiano, ang senior citizensay magtatrabaho sa airport ng tatlong oras sa umaga at tatlong oras din sa hapon sa loob ng 15 araw kung saan ay igigiya nila ang mga pasahero sa kani-kanilang upuan at sa mga opisina na kailangan nilang puntahan. Itinuturing ang mga ito na hindi…

Read More

SSS, GSIS MAY ALOK NA PAUTANG SA BIKTIMA NG BAGYONG TISOY

(NI ABBY MENDOZA) BILANG tulong sa may 90,000 pamilya na nasalanta ng bagyong Tisoy, bukas ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang financial institutions para magbigay ng pautang. Ayon kay GSIS Senior Vice President Joseph Philip Andres ang mga government employee ay maaaring mag-avail ng kanilang emergency loan at finance assistance loan pna hanggang P20,000 na maaaring bayaran sa 8% interest sa loob ng 3 taon. Sinabi naman ni  SSS Assistant Vice President for Member Loans Department Boobie Angela Ocay na hanggang Pebrero 2020…

Read More