GAZINI’S ‘WATAWAT’ EARRINGS

(NI BEN BAÑARES)

APAT na tulog na lang, Miss Universe na! Ipapasa na ni Catriona Gray ang korona sa kanyang successor sa December 9 (Philippine time). Maka-back-to-back wins kaya tayo? Ipapasa ba ni Catriona ang titulo kay Gazini Ganados, ang ating kandidata ngayon? We sure are crossing our fingers for that!

Speaking of Gazini…

Kung si Catriona ay merong ear cuff na “Three Stars and the Sun” na siya mismo ang nag-design, meron namang “watawat” earrings itong si Gazini.

Sa isang Instagram post, Ipinakita ng Pinoy designer na si Kathryn Fanlo ang naturang pares ng hikaw na may kulay ng ating bandila, hence the term “watawat” earrings. Sabi ni Kathryn sa caption: “Wearing our flag with pride.” Aniya, ito ay ginawa especially for Gazini.

“Thank you for helping promote local talent and showing the rest of the world our rich culture,” pasasalamat ni Kathryn sa Pinay beauty. “Watawat – a symbol of peace, unity, and Filipino pride,” dagdag pa niya.

Bukod sa “watawat” earrings, sinusuot din ni Gazini sa mga pre-pageant activities ang iba pang mga likha ng ating local designers.

Nasa Atlanta, Georgia na si Gazini para sa 2019 Miss Universe pageant and coronation night.

Best of luck to you, Gazini!

FRIENDLY COMPETITION

Napanood n’yo ba ang “Umagang Kay Ganda” episode noong Martes, December 3?

Nakakaaliw dahil sa naturang episode ay nag-record ng video greeting ang mga Kapamilya hosts ng morning show para sa 20th anniversary ng kalaban nilang programa sa Siyete for the past 12 years, ang “Unang Hirit.”

Ito ay in-upload ni Jeff Canoy, isa sa mga hosts ng “UKG,” sa Twitter.

Ni-repost naman ito ni Arnold Clavio, isa sa mga hosts ng “Unang Hirit” sa kanyang Instagram account at nilagyan ito ng caption na: “Sa mga bumubuo po ng ‘UKG,’ maraming salamat sa inyo pong naging pagbati sa amin sa ‘Unang Hirit.’”

O, di ba? Napakagandang gesture from both sides of the “warring” networks?

Sana all!

 

577

Related posts

Leave a Comment