ABUEVA ‘DI NAGPAAWAT, PHOENIX 7-1 NA

pba1

(NI VIRGI T. ROMANO/PHOTO BY MJ ROMERO)   HINDI naawat si Calvin Abueva nang magtala ng double-double para pangunahan ang Phoenix sa 94-80 win laban sa kanyang dating koponang Alaska, Biyernes sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena. Tumabo si Abueva ng team-high 21 points at 16 rebounds sa paghablot ng Phoenix sa ikalawang sunod na panalo at umangat sa 7-1 at tumabla sa Rain or Shine sa unahan ng team standings. Pero, hindi nag-iisa si Abueva sa pagbuhat sa Fuel Masters, katulong niya si Matthew Wright na…

Read More

SINO ANG BEAUTY QUEEN NA DINI-DATE NI DERRICK?

derkath200

(NI JONATHAN ANG) MUKHANG jackpot si Derrick Monasterio sa ‘bagong babae’ (or vice versa?) sa kanyang buhay. Kasi naman, bagets at beauty and brains ang… oo, isa siyang beauty queen! Sa pocket presscon ng upcoming Kapuso afternoon teleserye na “Dragon Lady” nitong Martes, inamin ni Derrick na isang beauty pageant titlist ang idini-date niya ngayon. Nagngangalan itong Kathleen Joy Paton, isang Filipino-Australian. (The next Catriona Gray?) Kinoronahang Miss Teen International 2017 at Miss Manila 2018 ang 20-year-old na si Kathleen. Ipinanganak siya sa Aklan pero nanirahan sa Australia mula 9…

Read More

IT EXPERTS PINATUTULONG SA ‘MOMO CHALLENGE’

momo

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY LUCAS LUKE) PINATUTULONG ng isang mambabatas sa Kamara ang mga Information Technology (IT) experts para mawasak ang app ng ‘momo challenge’ dahil sa nganganib ang mga followers nito na pawang mga kabataan. Bukod sa momo challenge, kailangan din umanong mawasak sa pamamagitan ng virus na bubuuin ng mga IT experts ang mga ‘nudity challenge”, online bullying message at images kasama na ang online scam. “I am a gamer. Maybe the software developers can create a sort of antivirus that will search and destroy  all the momo pictures…

Read More

SAMAR SOLON IDINIIN SA P16.1-M BINILING EMERGENCY KITS

sandigan

(NI JEDI PIA REYES) NAHAHARAP ngayon sa pagkakapiit ng hanggang 115 taon ang isang kongresista sa Samar matapos na idiin ng Sandiganbayan sa kasong may kinalaman sa pagbili ng P16.1 milyong emergency supplies nang walang public bidding. Sa ibinabang hatol ng Sandiganbayan 4th Division, pinarurusahan nitong mapiit ng 62 hanggang 115 taong pagkakakulong si Samar 2nd District Rep. Milagrosa Tan dahil sa walong counts ng graft. Nangyari umano ang katiwalian nuong 2001 kung kailan nakaupo pa bilang gobernadora ang mambabatas. Natukoy din ng anti-graft court na guilty beyond reasonable doubt ang kapwa…

Read More

PAALAM NA SA ATING INDIE KING

king5

(NI KC GUERRERO) Kung pumuwede kaya si Kristoffer King para sa pelikula ni Direk Bong Ramos, tumaas kaya ang caliber ng acting ng mga co-stars  sa magic realism movie na pinagbidahan ni Althea Vega at ably supported nina Paolo Paraiso, Orlando Sol, Marco Morales at Kiro Baldemor? Andun din ang bff ni Hari (nickname ni Kristoffer) na si Julio Diaz at ang singer-actress na si Malu Barry. That was nine years ago. In demand sa indie films si King kaya “Indie King” ang tawag namin. Kung Hari ng TV at…

Read More

CAMSUR VICE MAYOR KINASUHAN SA RENTA NG HEAVY EQUIPMENT

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES) IDINIDIIN ngayon ng Office of the Ombudsman ang bise alkalde sa Camarines Sur makaraang pumasok umano sa kasunduan sa pagpapa-renta ng heavy equipment nuong siya pa ang nakaupong mayor. Sa charge sheet na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires at inihain sa Sandiganbayan, natukoy na lumabag si Pamplona Vice Mayor Gemino Imperial sa paglabag sa Section 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Inaakusahan si Imperial ng paglagda sa maanomalyang kontrata ng pagpapa-upa ng heavy equipment na back hoe at grader kay Rodolfo Pua nuong…

Read More

SINGIL SA TUBIG BABABA NGAYONG ABRIL

tubig1

(NI JEDI PIA REYES/PHOTO BY RAFAEL TABOY) KINUMPIRMA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagtapyas sa singil ng mga water concessionaire na Manila Water at Maynilad sa darating na Abril. Kasunod umano ito ng paglakas ng piso kontra US dollar at Japanese Yen. Mangangahulugan ito na ang mga konsyumer ng Manila Water na kumukonsumo ng tubig na 10 cubic meters o pababa kada buwan ay makakatipid ng P1.21; sa mga may average consumption na 20 cubic meters ay makakatipid ng P2.69 at ang may konsumong 30 cubic meters…

Read More

PAGIGING MAGKASANGGA NG PINAS-US MANANATILI 

duterte us

(NI CHRISTIAN DALE) MAGIGING  kasangga at kakampi  ng Pilipinas ang Estados Unidos sakaling may military aggression o giyera sa South China Sea.Ayon kay US Secretary of State Michael Pompeo, kung ang military activity ng China sa South China Sea ay magiging banta sa seguridad, soberenya at ekonomiya ng Pilipinas, magiging banta rin daw ito sa Estados Unidos. Aniya, kanilang tinitiyak ang commitment ng Estados Unidos sa Mutual Defense Treaty (MDT) sa Pilipinas. Para naman kay  Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin, inihayag nitong produktibo ang kanilang pag-uusap ni Pompeo kung saan nagkasundo silang…

Read More

SINO ANG BEAUTY QUEEN NA DINI-DATE NI DERRICK?

derkath200

(NI JONATHAN ANG) MUKHANG  jackpot si Derrick Monasterio sa ‘bagong babae’ (or vice versa?) sa kanyang buhay. Kasi naman, bagets at beauty and brains ang… oo, isa siyang beauty queen! Sa pocket presscon ng upcoming Kapuso afternoon teleserye na “Dragon Lady” nitong Martes, inamin ni Derrick na isang beauty pageant titlist ang idini-date niya ngayon. Nagngangalan itong Kathleen Joy Paton, isang Filipino-Australian. (The next Catriona Gray?) Kinoronahang Miss Teen International 2017 at Miss Manila 2018 ang 20-year-old na si Kathleen. Ipinanganak siya sa Aklan pero nanirahan sa Australia mula 9…

Read More