BAHAGI NG NLEX-C5 NORTHLINK SA VALENZUELA BUKAS NA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng NLEX Segment 8.2 Section 1A sa Valenzuela City, na maaaring daanan nang libre ng mga motorista hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Pangulong Marcos, layunin ng proyekto na mapabilis ang biyahe at makatulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila.

Mag-uugnay ang bagong kalsada sa Mindanao Avenue Toll Plaza at Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City.

Inaasahang makatutulong din ang pagbubukas ng naturang bahagi ng NLEX-C5 Northlink project sa mga motorista ngayong Undas, lalo na sa mga bibiyahe sa mga susunod na araw.

Kasunod nito, nagtungo ang Pangulo sa Biñan, Laguna upang pangunahan naman ang pagbubukas ng manufacturing at assembly plant ng Sazgar Philippines Inc.

(CHRISTIAN DALE)

98

Related posts

Leave a Comment