PANUNTUNAN SA SEMENTERYO IPINAALALA NG MANILA LGU

MAHIGPIT na pinaalalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang publiko na sumunod sa mga panuntunan sa sementeryo sa lungsod ngayong Undas.

Kasabay nito, muling ipinaalala na ipinagbabawal ang pagka-karaoke at malalakas na sound system sa loob ng sementeryo ngayong Undas 2026 sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.

Bukod sa karaoke, bawal ding magdala ng alak o inuming nakalalasing, baril, patalim tulad ng kutsilyo at cutter, alagang hayop gaya ng aso at pusa, at mga bagay na madaling magliyab gaya ng alcohol at thinner. Ipinagbabawal din ang pagsusugal.

Ayon kay Moreno, bukas ang Manila North Cemetery mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi simula ngayong araw hanggang Nobyembre 2. Ang Manila South Cemetery naman ay bukas mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2. Balik sa regular na serbisyo ang mga sementeryo sa Nobyembre 3 matapos itigil ang paglilibing noong Oktubre 28.

Ibinahagi rin ng alkalde na magkakaroon ng libreng transport service sa loob ng sementeryo para ihatid ang mga dadalaw sa mga namayapa, lalo na ang mga senior citizen, malapit sa puntod, dahil bawal ang pagpasok ng anomang uri ng sasakyan sa mga nasabing araw.

(JOCELYN DOMENDEN)

53

Related posts

Leave a Comment