PNP-CIDG PINASASAGOT SA COUNTER-AFFIDAVIT NI APLASCA

BINIGYAN hanggang Nobyembre 6 ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang sagutin ang counter-affidavit na inihain ni dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa Department of Justice (DOJ).

Kaugnay ito ng reklamong direct assault na isinampa ng PNP-CIDG laban kay Aplasca matapos ang kontrobersiyal na barilan sa Senado noong Mayo 13, 2026, na sinundan ng pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na kasalukuyang target ng manhunt operations.

Nabatid na PNP-CIDG, at hindi ang National Bureau of Investigation (NBI), ang nagsampa ng reklamo laban kay Aplasca. Gayunman, ayon sa DOJ, maaari ring gamitin ang mga testimonya ng mga kinauukulang personalidad bilang bahagi ng mga ebidensiya sa kaso.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hanggang Nobyembre 6 ang palugit na ibinigay sa PNP-CIDG upang sagutin ang counter-affidavit ni Aplasca.

Pagkatapos nito, bibigyan naman si Aplasca at ang iba pang respondent ng hanggang Nobyembre 13 upang magsumite ng kanilang rejoinder affidavit.

Matapos ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento, ituturing nang submitted for resolution ang reklamo upang matukoy ng prosekusyon kung may sapat na batayan para ituloy ang kaso at ihain ito sa korte.

(JESSE RUIZ)

101

Related posts

Leave a Comment