P3.5M UNREGISTERED COOKING OIL SINAMSAM SA LIPA CITY

TINATAYANG P3.5 milyong halaga ng hindi rehistrado at walang label na cooking oil ang nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang warehouse sa Lipa City, Batangas.

Isang babaeng empleyado ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon dakong alas-2 ng hapon noong Martes, sa Barangay Lodlod, sa koordinasyon ng Food and Drug Administration (FDA) at Lipa City Health Office.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Nagbabala ang CIDG na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ang mga produktong walang katiyakan ang kalidad at kaligtasan.

(NILOU DEL CARMEN)

67

Related posts

Leave a Comment