UNTI-UNTING nabubunyag ang ilang iregularidad sa Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ibunyag ni dating foreign affairs secretary Perfecto Yasay Jr na may isang private printing company na illegal umanong gumagawa ng electronic passports para sa ahensiya kahit na ginagawa na ng ibang kompanya ang proyekto. Sa kanyang Facebook post, ibinunyag ni Yasay ang illegalidad sa harap ng pagtakas umano ng mga gumagawa ng passport sa DFA tangay ang lahat ng data records ng publiko. Ito umano ay makaraang tapusin na ang kanilang kontrata sa pagitan ng ahensiya. Ayon pa…
Read MoreAuthor: Jet
DIOKNO PIPIGAIN SA DAGDAG-SAHOD
(NI NOEL ABUEL) MAY panawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea na agad aksyunan ang pagharang ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa pagpapatupad ng ikaapat na bahagi ng Salary Standardization Law (SSL). “Siguro ang mga abogadong kagaya ko are in the better position to say whether it is constitutional or not,” ani Drilon. Sinabi pa nito na may sapat na batayan upang ipatupad ang dagdag sahod dahil nakasaaad ito sa Executive Order ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Maliban pa dito, kahit…
Read MoreBOMB PLOT PALPAK; 5 TERORISTA LAGLAG
(NI JESSE KABEL) NAPIGILAN ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at Philippine National Police ang planong pagpapasabog sa ilang urban areas sa Sultan Kudarat matapos makumpiska ang mga inihandang high powered improvised explosive devices Sabado ng umaga sa sinagawang pagsalakay sa Barangay Damakling. Ayon kay Lt. Col. Harold M Cabunoc, Commanding Officer, ng 33rdInfantry (Makabayan) Battalion, bandang alas 5:00 ng umaga pinasimulan ng kanyang unit ang ikinasang counter-terrorist operations matapos makumpirma ang kinalalagyan ng mga bomba sa bayan ng Pagalad . “Our informant showed us the pictures of terrorist bombers Ustadz…
Read MoreUNDERWEAR NA CAMPAIGN MATERIAL OK SA COMELEC
(NI MITZI YU) IPINAGTANGGOL ng Commission on Elections ang paggamit ng underwear bilang campaign material sa 2019 polls matapos mag-viral ang isang konsehal mula sa Quezon City na namigay umano ng panty na may pangalang nakasulat. Ayon kay Comelec spokesperson Director James Jimenez, walang masama sa pamimigay ng panty dahil wala itong pinagkaiba sa distribusyon ng t-shirts o sumbrero na may pangalan ng pulitiko. Mas nagiging innovative lang aniya ang mga pulitiko ngayong 2019 sa campaign strategies para masungkit ang tagumpay sa eleksyon. Paliwanag pa ni Jimenez, wala namang batas…
Read MoreNAGTAKBO NG DATA RECORDS KAKASUHAN
(NI NOEL ABUEL) HINDI dapat palagpasin at kailangang papanagutin ng gobyerno ang dating passport maker na nagtakbo ng data records ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ito ang panawagan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng pag-amin ni DFA Secretary Teodoro Locsin na nagsisimula sila ngayon sa pagbuo ng lahat ng records para sa mga passport holder. Sinabi ng dalawang lider ng Senado na dapat obligahin ng DFA ang dating contractor na ibalik ang records dahil ito ay pag-aari ng gobyerno.…
Read MoreDUTERTE, SIMBAHAN PAGBABATIIN
(NI NOEL ABUEL) TATANGKAIN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mamagitan sa Pangulo at sa mga obispo at pari upang matapos na ang kanilang bangayan. Naniniwala umano ito na may posibilidad na may iba-ibang sumbong na nakararating kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kawani ng Simbahang Katolika kaya’t matindi ang gigil nito sa mga obispo at pari. “Maganda siguro, subukan natin mag-mediate, marami ako kaibigan sa CBCP. Every now and then naman nakakausap ko si Presidente. Subukan natin tanungin ko,” saad ni Sotto. Idinagdag pa nito na…
Read MoreTASK FORCE VS TIWALI BINUO
(NI LILIBETH JULIAN) SA layong mapalakas pa ang paglaban sa katiwalian sa gobyerno, bumuo ng isang anti-corruption task force ang Department of Agrarian Reform (DAR). Ang nasabing task force ay katuwang ni Pangulong Rodrigo Duterte para mas lalo pang paigtingin ang inisyatibo nito na labanan at linisin ang pamahalaan sa mga tiwaling kasapi nito. Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ang DAR Anti-Corruption Task Force ang tututok at magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga impormasyong tinatanggap ng ahensya na may kaugnayan sa mga tiwaling kasapi ng pamahalaan. “May mga intelligence…
Read MorePORT AREA, BASECO, MoA ININSPEKSIYON NG DENR
(NI SAMANTHA MENDOZA/PHOTO BY KIER CRUZ) NAG-INSPEKSIYON si Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu sa Port Area, Baseco sa Maynila at sa MOA sa Pasay City, kahapon ng umaga para alamin ang kondisyon ng tubig ng Manila Bay sa nabanggit na mga lugar. Ayon kay Cimatu, ang naturang mga lugar ay kabilang sa pinagmumulan ng pagdumi ng Manila Bay. Nabatid na may ulat na hindi lamang ang mga residente ang nagtatapon mga basura at mga human at animal waste sa karagatan kundi maging ang mga dumadaong na barko. Aalamin…
Read MorePPCRV MAGBABANTAY SA BOL
(Ni Samantha Mendoza) MAGBABANTAY ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa gaganaping plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21 sa Mindanao. Nalaman kay PPCRV vice chair for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, binigyan na sila ng akreditasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagbabantay ng naturang aktibidad. Ayon sa PPCRV, kabilang sa magiging tungkulin nila ang pagsasagawa ng poll watching at pagtiyak ng kaayusan sa nakatakdang plebesito para sa ratipikasyon ng BOL. Maghahanda na umano ang PPCRV para sa pagbubuo…
Read More