4 PETC SINUSPINDE NG DOTr

dotr

(NI KEVIN COLLANTES) SINUSPINDE ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), ang apat na private emission testing centers (PETC) sa bansa matapos matuklasang namemeke ng emission test results. Ayon sa DOTr, sakop ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) ang Lucena Grand Service Station, Inc., na matatagpuan sa Diversion Road, Brgy. Ilayang Dupay, Lucena City, 4301, Quezon at MCRB Emission Testing Center, na nasa 59 Upper Irisan, Naguilian Road, 2600, Baguio City. Kasama rin ang One Eighteen Pollution Test Services-Maramag Branch sa National Highway,…

Read More

SWS: MAHIHIRAP NA PAMILYA BUMABA NG 2%

poor

(Ni FRANCIS ATALIA) BUMABA ng dalawang porsiyento ang mga pamilyang Filipino na itinuturing ang kanilang sarili na ‘mahirap’ batay sa datos ng fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS). Ang nasabing datos ay nasa 50 percent o 11.6 milyon sa isinagawang survey noong December 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adults sa buong bansa. Kumpara noong September 2018 survey na nakapagtala ng 52 percent o 12.2 milyon ay mas mababa ang pinakahuling survey. Subalit mas mataas ng dalawang porsiyento ang self-rated poverty rate sa buong…

Read More

‘WALANG PNEUMONIA OUTBREAK’

doh

ITINANGGI ng Department of Health (DoH) ang balitang mayroong pneumonia outbreak ngayon sa bansa, ayon kay Health Undersecretary Erick Domingo. Sinabi ni Domingo na walang katotohanan ang kumakalat na balita sa social media. Sa katunayan umano ay mas mababa ang bilang ng mga may sakit na pneumonia ngayon kumpara noong nakaraang taon. Sinabi ni Domingo na maraming paraan upang makaiwas sa sakit at pinayuhan ang publiko ng ibayong ingat sa kalusugan upang hindi magkasakit. 350

Read More

MARIAN WALA NANG DAPAT ITAGO

marian

SA tanong kay Marian Rivera kung ano ang sekreto o rule niya sa buhay kaya maganda ang takbo ng kanyang personal and professional life, ang isinagot niya ay ang pagpapakatotooo sa sarili. “Yun ang number one rule talaga sa buhay ko. “Hindi ko nilalahat, pero sa showbiz kasi minsan takot talaga ang iba na ipakita ang totoong sila, pero ako hindi, e. My number one rule is ipapakita ko kung sino ako at wala akong itatago.” Ito nga ang “formula” kaya happy si Marian. “Well siguro kanya-kanyang formula yan, depende…

Read More

19 COMELEC HOTSPOTS BINABANTAYAN NG PNP

comelec

BINABANTAYAN ngayon ng Philippine National Police ang 19 syudad at munisipalidad sa pagsisimula ng election period Linggo ng umaga. Sinabi ni PNP deputy spokesperson Supt. Kim Molitas, nagsasagawa sila ng ugnayan sa Armed Forces upang matiyak ang kapayapaan sa mga hotspots. Karamihan umanong nasa election hotspots ang mga lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao tulad ng Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao. Hindi pa rin napagdedesisyunan kung isasasama ng Commission on Election (Comelec) sa ilalim ng Comelec control ang Daraga, Albay at Cotabato City dahil sa mga naunang ulat…

Read More

ELECTION PERIOD NG MIDTERM POLLS SIMULA NA BUKAS

comelec

(NI MITZI YU) SIMULA na bukas ang election period para sa midterm polls sa Mayo gayundin ang implementasyon ng gun ban . Ito naman ang binigyan-diin ng Commission on Elections(Comelec) spokesman James Jimenez Biyernes ng hapon. Ayon kay Jimenez, mga bagong senador,  kongresista at mga konsehal ng mga local government ang makikita sa Mayo 13. Ang presidential at vice presidential elections ay magaganap naman sa 2022. Paliwanag ni Jimenez, aabot naman sa 1.7 milyong Filipino sa abroad ang inaasahang  boboto. Kasabay nito, ilalagay na rin simula bukas ang Comelec checkpoints  at…

Read More

PAGKAIN NG PINOY NINANAKAW NG CHINA

west

(BERNARD TAGUINOD) TUMITINDI ang pagnanakaw ng China ng pagkain sa West Philipine Sea na dapat ay para lamang sa mga Filipino. Sinabi ito ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at binigyang-diin na parami nang parami ang Chinese fishing vessels na ilegal na nangingisda sa mismong teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “Pagkain ng mga Filipino ang ninanakaw ng China sa mismo pa nating teritoryo,” ani Alejano makaraan maglabas ang Washington-based think tank na Asian Maritime Transparency Initiative (AMTI) ng satellite image ukol sa sandamakmak na Chinese fishing vessels sa…

Read More

SSS PENSIONERS BITIN ULIT SA DAGDAG- PENSYON

sss

(NI BERNARD TAGUINOD) ‘MALUPIT at insensitibo’. Ganito inilarawan nina Bayan Muna chair Neri Colmenares at Rep. Carlos Zarate ang desisyon ng Social Security System (SSS) na ipagpalliban ang second tranche ng pensyon ng mga retiradong miyembro na nagkakahalaga ng P1,000 ngayong taon. Ayon kina Colmenares at Zarate, kung gaano kabilis magpataw ng buwis ang gobyerno na nagpapahirap sa lahat ng mga tao ay kabaliktaran naman ito pagdating sa benepisyo. Unang nagkaroon ng P1,000 increase sa SSS pension noong 2017 at susundan sana ngayong 2019 ng karagdagang P1,000 subalit ipinagliban ito ng…

Read More

DPWH PINAGPAPALIWANAG SA ISASARANG TULAY

dpwh

(NI NOEL ABUEL) PINAGPAPALIWANAG ni Senadora Grace Poe ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa plano nitong isara ang Estrella-Pantaleon Bridge na nag-uugnay sa lungsod ng Mandaluyong at Makati. Ayon sa senadora, base sa nakarating na reklamo mula sa mga gumagamit ng nasabing tulay ay wala namang nakikita problema rito kung kaya’t nakakapagtaka umano kung bakit kailangan itong isaayos at isara sa darating na Enero 19. Apela pa nito sa gobyerno na pag-aralang mabuti ang merito ng gagawing pagbabago sa Rockwell bridge sa kabila ng nasa maayos pa…

Read More