(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng inaasahang landfall ng bagyong Ramon, ilang lugar ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 2 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito. Itinaas na ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga at Northern portion ng Ilocos Norte. Ayon sa PAGASA ang mga nasa signal No 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 61kph hanggang 120kph sa loob ng 24 oras. Nasa Signal No 1 naman…
Read MoreAuthor: Jet
EMERGENCY POWERS NI DU30 SA PRIORITY PROJECTS HINARANG
(NI NOEL ABUEL) TUTOL ang ilang senador sa panawagan ng mga kongresista na bigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng pagkakaantala ng mga proyekto na kabilang sa Build, Build, Build projects ng pamahalaan. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, nangangamba ito na posibleng maabuso ang emergency power kung kaya’t hindi nito susuportahan ang panawagan ng mga kongresista. “Hindi ako sang-ayon sa emergency powers dahil isa sa pinakadelikado diyan ay wala nang bidding. So, for example meron kang malaking proyekto hindi mo na kailangan mag-bidding at makakapili ka kaagad…
Read MoreKRIMEN BUMABA SA PAGGANDA NG BUHAY NG PINOY
(NI NICK ECHEVARRIA) ITINUTURO ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt.Gen. Archie Gamboa ang pagbaba ng krimen sa pagganda ng kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino. Ito’y matapos ilabas ng Social Weather Station (SWS) ang kanilang latest survey kung saan 36 porsyento ng mga respondents ang umamin na gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan. Isinagawa ang survey noong Setyembre 26-30 kung saan 46 na porsyento rin ng mga “adults” ang umaasa na gaganda ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, habang 5 porsyento naman…
Read MoreKISSES, MOMMY TINAKBUHAN ANG BAYARIN SA CONDO
(NI LOLIT SOLIS) ANO ba yan?! Ako na ngayon ang pinaka-matinding kontrabida kay Kisses Delavin. Ang simple lang naman ng isyu. Bayaran lang nila ang mga utility bills na naiwan nila sa condo unit ni Rap Fernandez (Anak ni Rudy Fernandez at Lorna Tolentino). Si Rap na kasi ang nag-aasikaso ng unit nila sa Imperial Palace na binili ni Lorna para sa mga anak nila ni Rudy Fernandez. Alam n’yo na ang nangyari, di ba? Umalis na lang doon ang mag-inang Carrie at Kisses Delavin dahil nga sa pumutok ‘yong…
Read MoreKASO NG DALAGITA SA E-CIGARETTE PINAG-AARALAN NG DOH
(NI KIKO CUETO) NILINAW ng Department of Health (DOH) na maituturing na ‘probable case’ at hindi pa mismong ang e-cigarette o vape ang naitalang kaso ng pagkakasakit ng isang dalagita na itinakbo sa ospital noong nakaraang linggo. “Well there’s just one reported so that’s not a confirmed case, that’s only a probable case of e-cigarette or vaping associated lung injury,”pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam sa ABS-CBN News Channel (ANC). Ayon pa kay Duque, dadaan pa ito sa masusing imbestigasyon. “The finding are not conclusive, even if…
Read MoreIMPORTASYON NG BIGAS IPINAHINTO NI DU30
INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng rice importation sa gitna ng paghihirap ng mga magsasaka sa Rice Tariffication Law. Sa panayam ng GMA News, sinabi ng Pangulo na mag-uumpisa na ang gobyerno na bumili ng lokal na bigas upang matulungan ang mga magsasaka na mga nalugmok sa pagbaha ng imported na bigas sa merkado. Noong Pebrero, nilagdaan ng Pangulo ang Rice Tariffication Law na nagtatanggal sa restriksiyon ng importasyon ng bigas sa paniwalang maibaba ang presyo nito sa merkado. Gayunman, direktang naapektuhan ang mga magsasaka sa batas na…
Read MoreDAMAGE CONTROL PARA SA HUNK ACTOR
(NI JERRY OLEA) “It’s unfair! It’s unfair!” Pumalahaw ang kampo ng beteranong direktor. Ano’t sinisisi si direk ng isang aktres sa talakan nila ng hunk actor sa set ng kanilang teledrama?! Ano ang sumapi sa aktres para magmahadera siya at magtahi ng istorya mula sa hangin?! Inutusan ba ang aktres alang-alang sa damage control para sa hunk actor, at the expense of the director? Iba ang tinitingnan, iba ang tinititigan. Kaya quiet na lang si direk, at ipinaubaya sa karma to take its course. LOTLOT NAG-MANAGE NG BASKETBALL TEAM; MAYE…
Read MoreSOLON: NARCO LIST HINDI STATE SECRET
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG nakikitang dahilan ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para itago sa publiko ang listahan ng mga high profile narcotics traders at user sa publiko. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, hindi maituturing na ‘state secret’ ang mga taong sangkot sa ilegal na droga sa bansa kaya imbes na itago ang mga ito ay dapat ilantad sa publiko. “In America’s Old West and until now in most countries, the watchlist of dangerous criminal suspects are publicly released and posted to prevent their commission of more…
Read MoreMISYON NG PH SWIMMING TEAM: SEAG GOLD, OLYMPICS QUALIFIER
MALIBAN sa gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, target din ng Philippine swimming team na mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics. Sinabi ni Philippine Swimming Inc. president Lani Velasco, malaki ang pag-asang matuldukan na ang 10-year gold medal drought ng bansa sa darating na biennial meet. Huling nanalo ng medalya ang bansa noong 2009 SEA Games kung saan naka-bronze sina Miguel Molina (2), Ryan Arabejo at Daniel Coakley. Naniniwala si Velasco na “promising” ang kasalukuyang grupo ng national swimmers na sasabak sa SEA Games sa December 4 hanggang 9 sa…
Read More