KASO NG DALAGITA SA E-CIGARETTE PINAG-AARALAN NG DOH

vape22

(NI KIKO CUETO)

NILINAW ng Department of Health (DOH) na maituturing na ‘probable case’ at hindi pa mismong ang e-cigarette o vape ang naitalang kaso ng pagkakasakit ng isang dalagita na itinakbo sa ospital noong nakaraang linggo.

“Well there’s just one reported so that’s not a confirmed case, that’s only a probable case of e-cigarette or vaping associated lung injury,”pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam sa ABS-CBN News Channel (ANC).

Ayon pa kay Duque, dadaan pa ito sa masusing imbestigasyon.

“The finding are not conclusive, even if it’s absolutely related to the use of vaping for the simple reason that no tests were done to definitively rule out possible infectious diseases that may be caused by virus or via a bacteria,” pahayag ni Duque.

Naunang ibinunyag ng DOH na nakatanggap sila ng report ng kaso ng electronic cigarette o vaping-associated na lung injury (EVALI) sa Central Visayas.

Sinasabing ang biktima ay isang 16-taong gulang na babae na gumagamit ng e-cigarettes sa loob ng anim na buwan.

Sinabi ng DOH na ang biktima ay ‘dual use,’ at ‘concurrently’ naninigarilyo gamit ang regular na yosi.

Itinakbo ang babae sa ospital noong October 21, dahil sa hirap sa paghinga.

Nangako naman si Duque na magbibigay ng update sa kanilang pagsusuri sa lalong madaling panahon.

 

170

Related posts

Leave a Comment