ACT-CIS SA DTI: CONSUMERS PROTEKTAHAN LABAN SA PEKENG PRODUKTO

TINAWAGAN ng pansin ni Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Representative Jeffrey Soriano ang Department of Trade Industry (DTI) matapos makatanggap ng ilang fraud reports mula sa consumers na dinadaya umano ng mga seller na nagbebenta ng counterfeit products at pinapalabas na legitimate ang mga ito. “It has come to our attention that there has been very rampant distribution and selling of fake products, branding these items as legitimate to swindle the consumers into paying the full retail price of the genuine brand for a counterfeit product. Lately,…

Read More

15 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA

AGAD nasaklolohan ng nagpapatrolyang mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 15 pasahero at isang crew na sisinghap-singhap makaraang lumubog ang sinasakyang motor banca sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion, Rapu-Rapu, Albay. Ayon sa PCG, lulan ang mga pasahero ng motorbanca na “Rocenz 3” na lumubog sa karagatan. Nang makatanggap ang PCG Sub-Station Rapu-Rapu ng tawag mula sa MV RLMC Ferry I kaugnay sa insidente, ay agad na nagtungo ito sa lugar para tulungan ang mga pasahero. Ayon kay Boat Captain Rogelio Barcelona Jr., habang naglalayag sila mula Barangay Batan patungong  Poblacion…

Read More

16 THAI NATIONALS NASAGIP SA POGO

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Philippine National Police ang 16 na mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na umano’y biktima ng forced labor. Sa impormasyon galing sa Southern Police District, kinilala ni P/BGen. Kirby John Brion Kraft, District Director, ang 16 na Thai nationals na biktima ng forced labor, na sina Hasim Komonchanok, Iamphon Anucha, Mathsee Thaweeblamlerd, Khamwisu Darunee, Bunmachu Attaphon, Winai Noito, Sompong Sukyong, Wilaiporn Khasun, Sungnum Pannipa, Khaivigit Kittipong, Yuwamongkol Therapon, Worapattananan Panupong, Chaikla Natthamut, Rachala Mattana, Siriwan Panta, at Jiang Jun. Napag-alamang humingi ng tulong sa…

Read More

3 PATAY, 4 SUGATAN SA 6 AKSIDENTE SA QUEZON

QUEZON – Tatlo ang patay habang apat pa ang sugatan sa anim na magkakasunod na aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Biyernes. Unang binawian ng buhay ang 25-anyos na gasoline boy na si Norman John Luceriano nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay masalpok ng isang van sa harap ng gasolinahang kanyang pinagtatrabahuan sa Maharlika Highway sa Brgy. Sto Cristo, bandang alas 1:30 ng madaling  araw. Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima. Sumunod na namatay ang rider na si Nico Rivera nang ang kanyang motorsiklo ay sumemplang sa…

Read More

FISH VENDOR NA RAPE SUSPECT, NALAMBAT SA CAVITE

NASAKOTE ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cavite ang isang most wanted person na may kasong panggagahasa sa Valenzuela City, makaraan ang halos pitong taong pagtatago. Kinilala ng mga awtoridad ang arestadong suspek na si Francis R. Ofialda, 36, binata, fish vendor, residente sa Barangay Molino 7, Bacoor City, Cavite. Dinakip ang suspek noong Oktubre 13 sa Barangay Molino 7, Bacoor City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Nancy Rivas-Palmones, ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong Nobyembre 28, 2016 para sa kasong rape. Si…

Read More

2 pa sugatan LALAKI, 9-ANYOS PATAY SA PAMAMARIL

patay

PATAY ang isang 30-anyos na lalaki at isang 9-anyos bata habang sugatan ang dalawa pang biktima makaraang pagbabarilin sa Navotas City noong Biyernes ng gabi. Bangkay na nang idating sa Navotas City Hospital si Jhomarie Flores, 30, at ang 9-anyos na bata, habang sugatan sina Gerardo Garcia, 30, at Cerina Dela Cruz, 28, na inilipat sa Tondo Medical Center. Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima, sa #29 Bagong Kalsada St., Brgy. Tangos South, dakong alas-8:00 ng gabi, kasama ang testigong si Crissalyn Tud, 29, at naghahanda…

Read More

Mga guro hindi pinasahod CMU HRD TINANINGAN NG 72-ORAS NG MALABON LGU

TINANINGAN ng 72-oras ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Human Resources Department (HRD) ng City of Malabon University (CMU) para magpaliwanag ukol sa umano’y hindi pagpapalabas ng sahod ng ilang guro ng pamantasan, Sinabi ni Mayor Jeannie Sandoval noong Biyernes, Oktubre 14, tatlong araw lamang ang ibinigay ni City administrator Alex Rosete na palugit sa CMU, para matiyak ng HR unit ng city hall na ibibigay ng CMU ang lahat ng hindi nabayarang payroll bago matapos ang office hours. Tiniyak din ng alkalde na magsasagawa ng masusing imbestigasyon ukol sa…

Read More

LAW ENFORCEMENT PINALAKAS SA NAVOTAS

PINALAKAS ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagpapatupad ng mga batas at ordinansa para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Mayor John Rey Tiangco. Sa nasabing panahon, inaresto ng Navotas City Police ang 10 top most wanted persons at 31 most wanted personalities, kabilang ang suspek sa pamamaril noong Hunyo 15 sa Brgy. San Jose. Nakumpiska naman ng pulisya ang P6,474,736 halaga ng ilegal na droga at P22,268 illegal gambling money sa mga operasyon noong Hulyo hanggang Setyembre. Samantala, 72 gumagamit ng ilegal na…

Read More

3 TULAK ARESTADO SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang high value individual at isang streel level individual sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Ismael Reyes at Roliemar Viernes, kapwa nasa hustong edad at nasa listahan ng high value Individuals (HVIs) at Cesar Semeo, isang street level individual. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:12 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Imus Police Station sa Brgy. Alapan…

Read More