ARESTADO ang tatlo katao at isang child in conflict with the law (CICL) ang nasagip, habang halos P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa anti-drug operations sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon. Dakong 4:30 a.m. noong Mayo 20 nang isagawa ang operasyon sa 171 Malolos St., Bagong Barrio, Barangay 153, Caloocan City kung saan nadakip ang CICL na si alyas “Luka” habang nakatakas ang target ng operasyong nakilala lamang sa alyas na “Tipus.” Walong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may preyong P960,000, 28 gramo…
Read MoreAuthor: admin 2
LIBRENG CERVICAL CANCER SCREENING, X-RAY HANDOG NG NAVOTAS
NAGKALOOB ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng libreng cervical cancer screening at chest x-ray bilang tulong laban sa tuberculosis (TB) noong Martes, Mayo 17. May inisyal na 220 Navoteña na edad 21 pataas ang sumailalim sa visual inspection of cervix with acetic acid (VIA) screening test na isinagawa sa lahat ng health centers sa lungsod. “Due to the pandemic, our centers temporarily stopped providing VIA tests every Tuesday. We have resumed this service in line with the celebration of the Cervical Cancer Consciousness Month and now that our COVID cases…
Read MoreMAGDYOWA NIRATRAT NG TANDEM
IDINEKLARANG dead on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 23-anyos na lalaki habang nasa malubhang kalagayan ang kinakasama nito makaraang ratratin ng bala ng riding in tandem noong Biyernes ng hapon sa Avenida Rizal, Sta. Cruz, Manila, Kinilala ang biktimang napatay na si Ferdinand Guevarra y Inquillo, habang inoobserbahan naman sa pagamutan ang ka-live in nitong si Erika Ann Gabriel, 20-anyos, kapwa residente ng Brgy. 254 sa Tondo. Mabilis namang naka-eskapo ang mga suspek na naka-full face helmet lulan ng motorsiklong walang plaka. Base sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila,…
Read MoreSPECIAL POLLS SA LANAO SINALUBONG NG PAGSABOG
ILANG araw bago ang gaganaping special election sa Lanao del Sur ay isang pagsabog ang naganap sa bayan ng Tubaran, ayon sa pulisya at military na nakatutok sa ilang bayan sa nasabing lalawigan. Ayon sa mga awtoridad, agad nagresponde ang Explosive Ordnance Unit, pulisya at militar sa pagsabog alas-1:20 ng madaling araw noong Huwebes sa Barangay Tangcal. Nangyari ang pagsabog malapit sa headquarters ni mayoralty candidate Nashif Madki na pamangkin ni Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan. Posibleng isang M203 grenade launcher ang ginamit sa pagpapasabog na sinasabing wala namang nasugatan…
Read MoreCONSUMER DEHADO SA BATANG ARROYO
SA napipintong pag-upo bilang Energy Secretary ng artistahing anak ng isang dating pangulo, marami ang nagtaas ng kilay. Dangan naman kasi, tila may mali. Ayon sa progresibong consumer group na United Filipino Consumers and Commuters, dapat pag-isipang mabuti ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang paghirang kay Mikey Arroyo sa Department of Energy (DOE), lalo pa’t may pagdududa sa kanilang motibo sa pwesto. Para kay Rodolfo “RJ” Javellana na tumatayong pangulo ng UFCC, “bad news” kung itatalaga ang batang Arroyo sa departamentong mandato’y protektahan at isulong ang kapakanan ng mga…
Read MoreWAR ON DRUGS NI DUTERTE APRUB SA PINOY
MAAALALA si outgoing President Rodrigo Duterte sa kanyang war on drugs na kanyang legasiya kahit ilang dekada pa ang lilipas sa kasaysayan ng ating mahal na bayan. Ang giyerang ito ang nagpanatili sa kanyang popularidad dahil niyakap at aprubado ito ng sambayanang Filipino dahil tumahimik kahit papaano ang ating bansa sa kriminalidad. Bago naging Pangulo si Digong, maraming nagkalat na kriminal sa kalsada na karamihan ay bangag sa ilegal na droga at walang takot na gumawa ng krimen at ang mga biktima ay karaniwang tao. Nawala ang snatching, holdap, bihira…
Read MorePAGBIHAG NG PASYENTE
SA gawing silangan ng Metro Manila matatagpuan ang isang nakabibighaning bayan na higit na kilala sa magagandang tanawin, luntiang pamayanan at tahanan ng pinakamahusay na mga alagad ng sining kabilang sina Maestro Lucio San Pedro at Jose Blanco. Ito marahil ang dahilan kung bakit dinarayo ang baybaying bayan ng Angono sa lalawigan ng Rizal. Maging ako mismo napahanga sa pagpupursigi ng lokal na pamahalaan na panatilihin ang kagandahan, kalinisan at kulturang nakagisnan mula pa sa pagkabata. Ang nakalulungkot, tila masisira lang ang magandang imahe ng nasabing bayan dahil lang sa…
Read MorePERWISYONG DOBOL B TUWING TAG-ULAN
SA hudyat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nangangasiwa sa larangan ng pagtataya ng panahon sa humigit kumulang 7,100 isla ng Pilipinas, ganap nang nag-umpisa ang panahon ng tag-ulan. Ayon sa mga dalubhasa sa pagtataya ng lagay ng panahon, daranas tayo ng higit pa sa karaniwang buhos ng ulan dulot ng tinatawag na La Niña phenomenon. Sa madaling salita, mas mabigat ang buhos ng ulan na kalakip ng higit na maraming bagyong papasok sa ating bansa. Ang totoo, kailangan natin ang ulan lalo pa’t ang Pilipinas…
Read More2 HVT DRUG SUSPECTS NAPATAY NG PDEA, MILITAR
DALAWANG high value target ang napatay nang manlaban sa ikinasang law enforcement operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Army 6th Infantry (Kampilan) Division at PNP sa Sitio Calumpangan, Brgy. Balacayon, Pigcawayan, North Cotabato noong Mayo 18, 2022. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, base sa ibinahaging report ni Major General Juvymax Uy, ng Joint Task Force Central, at 6th ID commander, napatay sa kanilang ikinasang anti-narcotics operation sina Datu Romah Malang Mastura alyas “Mamako” at Ebrahim Samama, kapwa high value drug personalities. Dalawang kasamahan din ng mga suspek ang nadakip…
Read More