DEAD on arrival sa ospital ang tatlong menor de edad na lalaki matapos mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng kasalubong na sasakyan sa Dumarao, Capiz, nitong madaling araw ng Linggo. Ayon sa ulat ng Capiz PNP, nasa edad 12 ang dalawa sa mga nadisgrasya, habang 13 taon gulang naman ang isa nilang kasamahan. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mga biktima at pagdating sa pinangyarihan ng insidente, bigla silang lumiko pakaliwa at nabangga ng isang paparating na sasakyan. Sa lakas ng impact, tumilapon sa kalsada ang mga biktima. Mabilis…
Read MoreAuthor: admin 2
Security forces, Comelec handa na SPECIAL ELECTION SA LANAO DEL SUR KASADO NA
SINIGURO ng Commission on Elections (Comelec) na mahigpit ang paiiraling seguridad sa pagdaraos ng special elections sa Lanao del Sur sa Mayo 24, 2022, Martes, dahil katuwang nila ang security forces. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia nitong Linggo, tutulong ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa poll body sa pagdaraos ng special elections sa Tubaran, Lanao del Sur. Matatandaang ang naturang lugar na lamang ang nag-iisang erya na hindi pa nakapagsumite ng Certificate of Canvass (COC) para sa May 9, 2022…
Read MoreP1-M DROGA HULI SA LADY TULAK
ARESTADO ang rank no.5 regional high value target (HVT) at nakumpiskahan ng mahigit isang milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod ng Pasig. Ayon sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya, kay P/BGen. Orlando Yebra Jr., kinilala ang naaresto na si Mobina Baluno y Unotan, 29, isang babae at residente ng Cagayan De Oro St., Maharlika Village, Taguig City, at nasa talaan ng pulisya bilang rank no. 5 regional HVT sa Priority Data Base on Illegal Drugs. Napag-alaman, dakong 5:00 ng hapon noong Mayo 20, nagsagawa ang…
Read MorePinulitika dahil talo sa kanilang barangay KABATAANG SUPPORTERS NI BBM GINIPIT NI YORME?
INALMAHAN ng mga kabataan sa Brgy. 329, Lope de Vega ang malinaw anilang panggigipit ng lokal na pamahalaan ng Maynila dahil giniba at hinakot ng pamunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Department of Public Service (DPS) ang kanilang basketball court nang wala man lang koordinasyon sa sino mang barangay officials. Napag-alaman na noong nakaraang Mayo 13, 2022 (Biyernes), nagtungo sa nasabing lugar ang pamunuan ng MTPB at DPS para kausapin ang mga ‘involved’ sa nasabing pa-LIGA ng barangay. Ayon sa ilang tauhan ng LIGA, naging maayos naman…
Read MoreHimok ni Sen. Go sa pagpapalawig ni PRRD sa validity ng firearms license MAGING RESPONSABLENG GUN OWNERS
PINURI ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, vice chairman ng Senate Committee on Public Order, ang ginawang paglagda ni Pang. Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11766, na nagpapalawig sa validity period ng lisensya at rehistro ng mga baril ng mula dalawa hanggang lima o 10 taon. Ang RA 11766 ay ni-release noong Mayo 17. Inamyendahan nito ang RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Sa ilalim ng naturang batas, ang rehistro ng armas ay dapat i-renew kada lima o 10 taon, sa opsiyon ng licensee. Samantala, ang permit to…
Read MorePANDEMIC RECOVERY AT PAGTULONG SA MAHIHIRAP PATULOY NA TUTUTUKAN NG ACT-CIS
ALINSUNOD sa plano ng papasok na administrasyon ni Presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., mga panukalang batas para makabangon sa pandemya ang unang isusulong ng ACT-CIS, sa pagbubukas muli ng Kongreso sa Hulyo. Ayon kay ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo, “patuloy pa rin naman ang pandemya sa buong mundo pero tuloy pa rin ang buhay ngunit dapat mag-ingat pa rin”. “Kailangan natin ng mga batas tulad ng mga ayuda sa hindi makapasok sa trabaho ng ilang araw dahil sa virus at pagpapagamot o masusing pag-aaral doon sa mga kababayan natin na…
Read More2 TODAS SA PAMAMARIL SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang dalawang negosyante sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Biyernes. Batay sa report ng Batangas Police Provincial Office, unang binaril ng hindi kilalang riding in tandem suspects ang biktimang si Joseph Selosa, 35-anyos, habang ito ay nagmamaneho ng kanyang kotseng Honda Civic sa national highway sa Brgy. Alupay, Rosario, dakong alas-2:00 ng hapon. Pauwi na ang biktima sa kanilang bahay sa bayan ng Padre Garcia nang sundan ito ng mga suspek at pagbabarilin sa kaliwang bahagi ng sasakyan. Tinamaan ng bala sa iba’t…
Read MoreTRICYCLE SUMALPOK SA VAN, 2 PATAY 1 SUGATAN
QUEZON – Dalawa ang patay habang isa ang sugatan nang ang kanilang sinasakyang tricycle ay bumangga sa kasalubong na van sa bayan ng Mulanay sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Kapwa binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang magpinsang biktima na sina John Kenneth Deraya, 21, at John Kevin Deraya Macunat, 16, parehong residente ng Barangay Poblacion 1 ng nasabing bayan. Sugatan din ang isa pang kasakay ng mga ito na si Michael Fortalez, 20-anyos. Batay sa report ng Mulanay Police, tinatahak ng top down…
Read MorePULIS PATAY SA BOC EMPLOYEE
PATAY ang isang miyembro ng District Headquarters Support Unit ng Quezon City Police District makaraang barilin ng isang kawani ng Bureau of Customs sa Gate 3, South Harbor, Brgy. 651, Port Area, Manila noong Sabado ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si P/EMS Celedonio Cauceran Jr., residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City. Kusang loob namang sumuko sa Manila Police District-Station 13 ang suspek na kinilalang si Elizer Mangili y Layag, 36, binata, Intel Officer 1 CIIS ng BOC sa naturang…
Read More