NAGPASALAMAT ang transport groups kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program at Libreng Sakay program. Pinangunahan ni Atty. Vigor Mendoza II, chairman at President ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) at Fleet operator ng Beep Jeep ang paglagda ng mga grupo ng transportasyon sa isang bukas na liham ng pagpapasalamat sa administrasyon. Binigyang-diin ng halos 50 Metro Manila Transport Group (MMTG) leaders na ang matatag na political will ng Pangulo at ng DOTr ang naging susi matagumpay na pagpapatupad ng…
Read MoreAuthor: admin 2
Mga sangkot sa QC shootout pinakakasuhan APRUB SA PNP, PDEA ‘NO COMMENT’
AYAW munang magkomento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kautusan ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang kanilang mga tauhan at ilang pulis na sangkot sa shootout sa Quezon City noong nakaraang taon. Ayon kay PDEA Public Information Office chief Director Derrick Carreon, wala pa silang hawak na kopya ng resolution ng DOJ kaya hindi muna sila makapagbibigay ng pahayag. Ang pamunuan naman ng Philippine National Police (PNP) ay agad nagpahayag na bukas sila sa rekomendasyon ng DOJ. Ani PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba,…
Read MoreMAGKUMPARENG TULAK LAGLAG SA PARAK
SWAK sa karsel magkumpareng tulak umano ng ilegal na droga nang bentahan ng shabu ang isang undercover cop sa buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa Navotas. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Crisanto Francisco alyas “Sant,” 38, ng Oliveros St., at Arnel Acuna alyas “Bakoko,” 49, ng A. Cruz St., kapwa ng Brgy. Tangos North. Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak ukol sa pagtutulak umano ng dalawa kaya’t isinagawa ang operasyon dakong alas-9:30 ng gabi at dinaluhong…
Read More300 PAMILYA SA BASECO NASUNUGAN
TINATAYANG umabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Huwebes ng gabi. Ayon sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Block 17, Old Site, Baseco sakop ng Brgy. 649, Port Area. Dahil yari sa light materials, nadamay ang mga katabing bahay. Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog ngunit wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa insidente. Bukod dito, nagkaroon ng tensyon sa lugar dahil sa paglalagablab ng apoy. Isa namang barko ang hindi makaalis sa lugar dahil…
Read More2ND BOOSTER PARA SA MGA SENIOR CITIZENS AT HEALTH WORKERS AT “CHIKITING BAKUNATION” SA LAS PIÑAS MAGSISIMULA NA
Pinulong ni Vice Mayor April Aguilar ngayong araw ang mga doktor ng City Health Office na pinamumunuan ni Dra. Julie Gonzalez upang mailatag ang magiging paghahanda ng lungsod sa pagbabakuna sa mga Senior Citizens at mga Health workers ng kanila 2nd Booster shot na magsisimula na sa lunes May 23,2022. Inalam mabuti ni Vice Mayor ang pamamaraan sa pagbabakuna ng 2nd booster at binigyang diin nito na nais nila ni Mayor Mel Aguilar na maipaabot at maipaliwanag din ng maayos sa lahat ang mga dapat malaman upang mawala ang pag-aalinlangan…
Read More3 BAYAN SA BULACAN NAGDEKLARANG COVID-FREE
LUNGSOD NG MALOLOS – Tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19 base sa ulat ng Provincial Health Office, as of May 19, 2022. Ito ay ang mga bayan ng Baliuag, San Miguel at Sta. Maria. Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, nasa 66 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya. Sa kabuuan, umabot na sa 109,454 ang kumpirmadong naging kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 107,700 ang nakarekober na habang 1,688 ang namatay Samantala, may 2,434,429 indibidwal ang nakatanggap ng…
Read MoreKAGAWAD TODAS,15 SUGATAN SA VAN VS BUS
ILOCOS SUR – Patay ang isang 69-anyos na barangay kagawad nang makasalpukan ng sinasakyan nilang van ang kasalubong na passenger bus sa bayan ng Santiago sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Bukod sa namatay na kagawad, malubha ring nasugatan ang siyam na iba pang kasamahang officials ng Barangay Sabuanan sa bayan ng Sta. Lucia sa nasabi ring lalawigan Habang anim sa sampung sakay ng nakabangang minibus ang nasugatan din dahil sa lakas ng impact. Ayon kay P/Lt. Godofredo Ribuyaco, hepe ng Santiago Police Station, lumabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na pagsapit ng…
Read MoreTOP 1 MWP SA CAVITE, 1 PANG WANTED SA CHILD ABUSE TIMBOG
CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang isang top 1 most wanted person (MWP) nang naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Leandro Centeno y Gatella, 52, binata, isang magsasaka, ng Brgy. Guyam Malaki, Indang, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, nagsagawa ng operasyon kontra MWP ang mga operatiba ng Indang MPS sa Brgy. Guyam Malaki, Indang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Centeno sa bisa ng warrant of arrest na inisyu…
Read MoreMAS MABIGAT NA PARUSA IPAPATAW SA INVESTMENT FRAUD
TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpaparusa sa mga indibidwal na mapatutunayang “guilty” sa investment fraud, na kapapalooban ng pagkabilanggo o P10 milyong multa o pareho. Ang bagong kaparusahan ay nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 11765, o Financial Products and Services Consumer Protection Act, tumutukoy sa investment fraud bilang anomang uri ng mapanlinlang na “solicitation of investments” mula sa publiko. Sa ilalim ng batas, “investment fraud covers Ponzi schemes and other schemes involving the promise or offer of profits or returns that are sourced from…
Read More