CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang isang top 1 most wanted person (MWP) nang naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Leandro Centeno y Gatella, 52, binata, isang magsasaka, ng Brgy. Guyam Malaki, Indang, Cavite.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, nagsagawa ng operasyon kontra MWP ang mga operatiba ng Indang MPS sa Brgy. Guyam Malaki, Indang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Centeno sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ralph S. Arellano, ng RTC Branch 132, Naic, Cavite, dahil sa kasong frustrated murder,
Si Centeno ay nasa listahan bilang top 1 most wanted person municipal level ng Indang MPS.
Halagang P200,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Indang Police.
Samantala, humantong sa karsel ang isang wanted person sa kasong child abuse matapos na inguso sa Navotas City.
Swak sa hoyo ang suspek na si Alejandro Nicolas, 29, ng Naval St., Brgy. San Roque.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga parak na nakita ang suspek sa kanilang lugar kaya sinimulan siyang tugisin ng mga pulis hanggang mahuli dakong alas-2:05 ng hapon noong Miyerkoles.
Dinakip si Nicolas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ronaldo Q. Torrijos, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City para sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (SIGFRED ADSUARA/ALAIN AJERO)
191 