GAYA noong 30th SEA Games sa Manila, malaki ang kontribusyon sa gold haul ng bansa ang dancesports. Nitong Lunes, tatlong gintong medalya ang ibinulsa nina Sean Aranar at Ana Nualla mula sa single dance-standard-tango, all five dance-standard, at single dance-standard-Viennese waltz sa Long Bien Gymnasium. Noong 2019 SEA Games ay dalawang gold naman ang kanilang inuwi. Napasakamay nina Mark Gayon at Mary Renigen ang fourth, at kabuuang fifth gold sa dancesports, mula sa single dance – standard – slow foxtrot. Silver naman sina Gayon at Renigen sa single dance-standard-waltz, at…
Read MoreAuthor: admin 2
31st Southeast Asian Games PILIPINAS NANATILING 3rd PLACE
NANATILI sa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Inahon ni Chloe Isleta sa pagkalunod ang swimming team nang maka-gold sa 200-meter backstroke, Lunes sa My Dinh Water Sports Palace. Nauna rito, naka-silver ang kanyang teammate na si Jessica Joy Geriane sa women’s 50m backstroke, habang bronze si Miranda Cristina Renner sa women’s 100m freestyle. Huling namayagpag sa swimming ang mga Pinoy noong pagreynahan ni Akiko Thomson ang 100m at 200m backstroke noong 1993 edition ng biennial meet. Muli naman naibalik sa ‘golden…
Read More“RIPER/SABONG ON AIR NINA PEREZ AT CAYANONG, KAMPEON SA WPC 6-COCK DERBY”
Hinangaan ng mga sabungero ang mga binitawang manok ng Riper/Sabong On Air matapos magkampeon sa naganap na Hosted by : JP DRAGON 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum noong Linggo. Nagtala ng limang puntos ang combined entry nina Richard Perez at Ka Rex Cayanong na Riper/Sabong On Air sapat para masilo ang titulo sa event na sinalihan ng mga bigating breeder at sabungero. Ikinalat sa champion, runner-up hanggang sa handler at gaffer ang guaranteed prize na P3.7M sa paderby at hosted ni JP Dragon. Unang pinagpag ng Riper/Sabong…
Read MorePatunay na suportado ng mayorya BBM PANALO KAHIT SA MGA PINOY-ABROAD
WALANG kaduda-duda na talagang suportado ng mayorya ng mga Pinoy si incoming President Ferdinand ”Bongbong’ Marcos dahil kabilang sa 31 milyon na nagbigay sa kanya ng makasaysayan at record-breaking na pagkapanalo ay mga kababayan natin na nasa ibang bansa. Maliban sa pangunguna sa halos lahat ng rehiyon at voting classes sa bansa, si Marcos ay nakakuha rin ng landslide victory mula sa overseas Filipino voters. Base sa ulat mula sa iba’t ibang Philippine diplomatic posts at sa mismong Commission on Elections (Comelec) Transparency Media server ay nagpakita na si Marcos…
Read MoreGABINETE NI BBM PATULOY NA SINASALA
PATULOY na sinasala ng UniTeam Transition team na pinamumunuan ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mga posibleng itatalaga sa bagong gabinete. Ito’y habang hinihintay na maiproklama si Marcos Jr. bago pa pormal na simulan ang transition o maayos na paglilipat ng kapangyarihan. Ayon sa kampo ni Marcos Jr., walang minuto na dapat sayangin pero hindi dapat madaliin ang incoming president sa mga pinagpipilian niyang italaga sa puwesto. “There is no denying, maraming nagpapahiwatig na gustong maglingkod but iba naman…
Read MoreGumawa ng fake FB account ng BBM chief of staff NBP INMATE ARESTADO SA PANGONGOTONG
(JESSE KABEL) BISTADO ang isang convicted criminal na nakakulong sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa paggamit sa pekeng Facebook account ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., para mangotong. Nagsasagawa na rin ng malalimang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) – Special Action Unit (SAU), kung paano nakapagpuslit ng cellphone habang nakakulong ang suspek na nakilalang si Ryan Ace Castillejo, alyas Kiko at Jose Villafuerte, na convicted sa kasong qualified theft. “More importantly, how he was…
Read MoreSALARY ADJUSTMENTS SA CIAC IPINATUPAD
CLARK FREEPORT ZONE — Tumanggap ng salary adjustments ang mga kawani ng Clark International Airport Corp. (CIAC) bilang tugon ng nasabing airport agency sa programang Compensation and Position Classification System (CPCS) ng national government. Ayon kay CIAC President Aaron Aquino, ang nasabing state-run firm ay binigyan ng awtorisasyon ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG) para ipatupad ang CPCS sa ilalim ng Executive Order No. 150 na inaprubahan ni President Rodrigo Duterte noong October 1, 2021. “CIAC management requested for a supplemental budget of Php17 million from…
Read MoreF2F CLASSES SA LAHAT NG PAARALAN NAPAPANAHON – GATCHALIAN
PATULOY na isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagbubukas ng lahat ng mga paaralan para sa face-to-face classes upang lalong paigtingin ang pagbangon ng sektor ng edukasyon mula sa hagupit ng pandemya. Sinundan ng pahayag ni Gatchalian ang panawagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na buksan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan para sa face-to-face classes. Bagama’t nanindigan ang IATF na hindi magiging requirement ang pagbabakuna para sa face-to-face classes, iginiit naman ni Gatchalian na dapat tiyakin ng pamahalaang bakunado ang karamihan…
Read MoreRIDER PATAY SA MARKED VEHICLE
CAVITE – Patay isang rider nang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang marked vehicle na minamaneho ng isang jail guard sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga. Isinugod sa Tanza Family Hospital ang biktimang si Mark Ferdinand Coluna y Mondreal, 26, binata, ng Naic, Cavite subalit hindi umabot nang buhay. Kinilala naman ang driver ng marked vehicle na si Melchor Das Ilen y Gregorio, 42, may asawa, jail guard sa Naic BJMP sa Brgy. Mabolo, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagario ng Tanza Police…
Read More