PNP NAKATUTOK SA REKLAMO VS ELECTORAL FRAUD

UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anomang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad. “Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin ora mismo,” ayon sa Kalihim. Sinabi ni Año na simula Mayo 8 hanggang sa aktuwal na halalan nitong Lunes, Mayo 9, tungkulin ng dineploy na police officers na ipatupad ang liquor ban at tiyakin na walang anomang…

Read More

2,000 BILIBID BOYS BUMOTO SA MUNTI

TINATAYANG 2,000 rehistradong preso mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang lumahok at bumoto ng kanilang kursunadang kandidato sa loob mismo ng piitan. Sa kalatas ng NBP, naging maayos at payapa ang halalan sa hanay ng mga “persons deprived of liberty” na tumungo sa itinakdang polling precinct sa Visitation Area na matatagpuan sa loob ng NBP Compound ng nasabing lungsod. Ayon kay Jayferson Bonas na tumatayong hepe ng NBP – Maximum Security Compound, walang anumang naitalang aberya sa isinagawang botohang nagsimula kahapon ng umaga at natapos bandang…

Read More

Halalan naantala ng 2 oras 50 VCMs SA METRO MANILA SUMABLAY

KABILA-kabilang aberya ang idinulog ng mga botante kaugnay ng pagkaantala sa pagboto makaraang makataan ng depekto ang mga vote-counting machines (VCM) at SD cards na gamit sa automated election na pinangangasiwaan ng Commission on Elections (Comelec). Pinakamataas ang antas ng aberya sa National Capital Region kung saan hindi bababa sa 50 VCMs ang iniulat na depektibo sa hudyat ng pagbubukas ng mga polling precincts eksaktong alas 6:00 ng umaga. Bagamat napalitan naman ng Comelec ang mga sirang VCMs, nagdulot naman ito mahabang pila sa mga pampublikong paaralang itinakdang polling places…

Read More

FAKE NEWS KINONDENA NI LOPEZ

KINONDENA ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez ang kumalat na fake news na nagsabing nag-withdraw siya sa kanyang kandidatura. Sa mismong araw ng halalan, binigyang linaw ni Lopez na hindi siya susuko hanggang hindi naipapasok ang huling boto ng kanyang mga tagasuporta. Itinuturing ni Lopez na desperate moves ng mga kalaban para siraan siya kahit sa mismong araw na ng halalan. Malinaw aniyang panlilinlang ito sa taumbayan para isulong ang masamang hangarin dahil alam nila na umangat si Atty. Alex. Ibinahagi rin ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas…

Read More

PBA, buhay na muli

MATAPOS ang mala-roller-­coaster na dalawang season (45th at 46th), muling nabuhay ang Philippine Basketball Association (PBA) bago ang 47th edition, simula sa susunod na buwan. Katunayan, balik na muli ang three-conference ang pinakamatandang liga propesyunal sa bansa at maging sa Asya. Kung masusunod ang kalendaryo ng PBA, itinatag noong 1975, ang Philippine Cup ay opisyal na magsisimula sa Hunyo 5. Inaasahang matatapos ito sa Setyembre 2, bago magpapahinga ng dalawang buwan. Susundan ito ng Commissioners’ Cup, na pansamantalang nakansela dahil sa COVID-19 pandemic. Nakatakda ito sa Oktubre 2, habang ang…

Read More

50K NA DIALYSIS PATIENTS, APEKTADO SA PAGSASARA NG E-SABONG

TALAGANG iniinda na ng maraming kababayan natin ang pagsasara ng e-sabong. Malaki ang epekto nito sa libo-libong pasyente na nangangailangan ng tulong mula sa Pitmaster Foundation. Hindi pa kasama riyan ang mga mawawalan ng trabaho dahil dito. Nakakalungkot talaga. Matagal ko nang nababanggit sa kolum ko ang mga ganitong posibilidad. Aba’y hindi nga ako nagkakamali. Sabi nga, mahigit sa 50,000 dialysis patients na tinutulungan ng Pitmaster Foundation ang apektado sa pagsasara ng operasyon ng e-sabong sa bansa. Pahayag ni Atty. Caroline Cruz, director ng Pitmaster Foundation, kinukuha nila ang kanilang…

Read More

4 PATAY SA HOMEMADE DYNAMITE BLAST

APAT katao ang namatay nang biglang sumambulat ang ginagawa nilang homemade dynamite sa sumambulat sa Sitio Ipil, Barangay Buyo, Claveria, Masbate. Sa impormasyong ibinahagi ni PNP-PRO5 Information Officer  Police Major Malou Calubaquib, ipinag-utos ni Bicol PNP chief, Police Brig. General Mario A. Reyes na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog ng dinamita at alamin ang source ng kemikal na ginamit sa paglikha ng mga pampasabog. Kinilala ang mga namatay na sina Ryan Maǹapao, 30-anyos; Eddie Maloloy-on Jr., 20; Jonathan Lape, 41, at Roque Mar Guazon, 19, pawang mga mangingisda.…

Read More

5 SUGATAN, 24 ARESTADO SA SHOOTOUT SA NUEVA ECIJA

KINAILANGAN magdagdag ng puwersa ang Northern Luzon Command na pinamumunuan ni Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., at local police  sa bayan ng General Tinio sa Nueva Ecija  kasunod ng nangyaring shootout na ikinasugat ng lima katao. Ayon sa ulat na natanggap ni Lt. Gen. Torres mula kay MGen. Andrew D. Costelo, PA, commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, may 24 na katao ang dinakip kaugnay sa nangyaring shooting incident dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado, Agad nagresponde ang mga tauhan ng 84th Infantry (VICTORIOUS) Battalion at  General Tinio Municipal Police Station…

Read More

PHARMALLY WITNESS PATULOY NA NAKATATANGGAP NG PANANAKOT

NAGBIGAY ng kanyang sworn statement ang isa pang dating Pharmally Pharmaceutical Corporation (PPC) warehouse staff na naglalahad ng ginawa umanong panunuhol at pagbabanta sa kanya ng kampo ni Senator Risa Hontiveros sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Jaye Bekema kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon sa testigong si Mark Clarence Manalo, nagdesisyon siyang magbigay ng sworn statement dahil patuloy siyang nakatatanggap ng pananakot gaya ng nakikitang mga sasakyan at motorsiklo na umaaligid sa kanilang bahay at ilang report ng kanyang mga kapitbahay na may mga…

Read More